Frankie Pangilinan hindi makapaniwalang pasok sa Top 5 senator si Kiko
Eleksyon 2025 - May 13, 2025 - 07:13 AM

Kiko Pangilinan at Frankie Pangilinan
NAGBUNGA ang panunuyo ng panganay nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan sa mga botante partikular na sa mga local government unit sa bansa para iboto ang ama.
Maraming humanga kay Kakie sa ginawa niyang ito na sa pamamagitan pa ng kanyang sulat-kamay kaya nag viral ito at ni-repost pa ng nanay niyang si Shawie sa Instagram.
Sa huling panayam namin kay Sen. Kiko nitong Mayo 8, Lunes sa Valencia Events Place na pag-aari ng mga Monteverde kung saan siya pina-presscon ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde, sana raw sa ilang araw na natitira bago ang eleksyon ay mai-push nang todo ang kandidatura niya.
Medyo malayo raw kasi ang bilang niya sa mga kapwa kandidato base sa naglalabasang survey.
Sa pahayag na ito ng senador ay alam niya sa kanyang utak na baka hindi na siya mapasama sa top 12 senators kaya napag-usapan nila ni Kakie na handa siyang magpahinga.
View this post on Instagram
E, nag-top 5 si Sen. Kiko base sa senatorial race base sa partial-unofficial results mula sa Commission on Elections kaya naman manghang-mangha si Kakie.
Pinost ni Kakie sa kanyang X account ang labis na pasasalamat sa mga sumuporta sa ama.
“Kanina lang sabi ni dad handa na daw s’yang magpahinga ‘tas sabi ni Lord ‘wag muna.
“’Di talaga ako makapaniwala guys 8 hrs ago lang pinag-uusapan na namin mga backup plan na ni sir
“Maraming maraming maraming maraming maraming maraming salamat.”
Samantala, trending ang post na ito ni Kakie na ilang beses ni-retweet at pinusuan ng netizens
Congratulations, Sen. Kiko!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.