Rodrigo Duterte panalo bilang mayor ng Davao City
Bantay Boto 2010: Elections coverage - Bandera May 13, 2025 - 02:50 PM
MULING nagbabalik ang dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City matapos manalo ngayong 2025 midterm elections.
Nagkamit ng 662,630 votes si Duterte mula sa mga mamamayan ng Davao na maituturing na landslide victory laban sa kanyang mga kalaban na sina dating Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagkamit ng 80,426 votes, Bishop Rod Cubos na may 7,725 votes, Jonathan Julaine na may 1,346 votes at Joselito Tan na may 1,134 votes.
Bukod sa dating pangulo, wagi rin ang kanyang anak na si Baste matapos magkamit ng 648,344 votes sa pagka-vice mayor.
Baka Bet Mo: Rodrigo Duterte inasar-asar ni Ka Leody, na-bash: Kaya hindi ka manalu-nalo!
View this post on Instagram
Ang panganay naman niyang si Paolo Duterte ay panalo bilang 1st district representative ng Davao City na nagkaroon ng 201,674.
Ang mga anak naman ni Paolo na si Omar ay wagi bilang 2nd district representative at first district councilor naman si Rodrigo II.
Sa ngayon ay naka-detain sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court noong March 2025 dahil sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa kanyang ipinatupad na war on drugs.
Si Baste muna ang ang tatayong alkalde ng Davao City habang nasa The Hague pa ang ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.