Angelu De Leon nangako, pagbubutihin ang paglilingkod sa Pasig

Angelu De Leon nangako, pagbubutihin ang paglilingkod sa Pasig

Therese Arceo |
Eleksyon 2025 -
May 13, 2025 - 05:08 PM

Pangako ni Angelu De Leon, pagbubutihin ang paglilingkod sa Pasig

NAGPASALAMAT ang actress-politician na si Angelu De Leon sa lahat ng mga nagbigay suporta sa kanya sa pagiging konsehal ng 2nd district ng Pasig City.

Sa kanyang Facebook post ay ipinahayag ng aktres ang kanyang pasasalamat sa mga Pasigueño lalo’t siya ang nangunguna sa botohan bilang konsehal.

“Buong puso tayong nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin upang magsilbi muli para sa ikalawang termino,” saad ni Angelu.

Dagdag pa niya, “Hindi ko ito makakamit kung hindi dahil sa inyong suporta.”

Baka Bet Mo: Jean Garcia, Angelu de Leon mahilig ‘pakialamanan’ ang mga anak, true ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pangako ni Angelu, mas lalo niyang gagalingan ang kanyamg pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng Pasig.

“Asahan ninyo na mas lalo pa nating pagbubutihin ang Tapat, Gawa, Ina, Serbisyo para sa bawat Pasigueño. Tuloy-tuloy lang ang Pasig sa mabuting paggogobyerno,” sey pa ng aktres.

Bukod kay Angelu, muling nagwagi sa kanyang ikatlong termino si Vico Sotto sa pagiging alkalde ng Pasig pati na rin si Dodot Jaworski nilang vice mayor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending