Atasha Muhlach bigla na lang nawala sa ‘Eat Bulaga’, babalik pa kaya?

Atasha Muhlach
CONFLICT of schedule ang ibinigay na dahilan sa amin kung bakit wala na si Atasha Muhlach sa noontime show na “Eat Bulaga” na umeere sa TV5.
“For now po as per Atasha, concentrate muna siya sa Bad Genius,” ang sagot sa amin ni Direk Derick Cabrido na siyang direktor ng Philippine adaptation series ng naturang Thailand movie noong 2017.
Dagdag pa niya, “Kasi ang problem, conflict sa schedule namin, eh.”
Marami kasi ang nagulat na bigla na lang nawala si Atasha sa “Eat Bulaga” kung saan maraming viewers ang naghahanap sa kanya. Dito na rin kasi siya nakabuo ng supporters.
Pagkatapos ba ng “Bad Genius” ay babalik si Atasha sa “EB”?
View this post on Instagram
“Di ko po masasagot kung babalik after ng Bad Genius,” kaswal na sagot sa amin ni Direk Derick.
Kung tama ang pagkakatanda namin ay noong Marso ini-launch si Atasha bilang lead star ng nasabing series at mapapanood ito sa streaming platform na Viva One soon.
Samantala, maraming nakyutan sa sayaw nina Atasha at partner niya sa series na si Jairus Aquino na napapanood sa YouTube na ilang oras pa lang na-post ay may 27,000 views na, bukod pa ito sa mga nag-repost sa iba’t ibang social media platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.