Lani Misalucha natatakot, baka masintunado sa 40th anniv concert

Lani Misalucha
INAMIN ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na may nararamdaman siyang takot na baka masintunado siya sa kanyang comeback anniversary concert this year.
Ito’y matapos nga niyang aminin na totoong nasisintunado siya sa ilang songs na kinakanta niya nang lives kahit sa recording.
Sa nakaraang presscon para sa kanyang 40th anniversary concert na “Still LANI”, napag-usapan nga ang pagiging bingi ng isa niyang tenga na epekto ng pagkakaroon niya ng bacterial meningitis.
“Oh yes! Oh yes, yes!!! Yes. Oh my gulay! When talking about out of tune, yes,” ang sagot ni Lani nang matanong kung may pagkakataon bang nawawala siya sa tono habang nagpe-perform.
“Kasi nga, di nakalabas na kami sa ospital, ano, siyempre hindi na ako nakabalik sa The Clash that time. So, nakapag-taping pa ako and na-air pa yung time na yon, two weeks I think. Two weekends.
“Tapos after that, wala na. Hindi na ako nakabalik sa The Clash,” ani Lani na ang tinutukoy ay ang original reality singing search ng GMA kung saan isa siya sa mga judge.
Patuloy niya, “Tapos, sinabi nila, ‘Uy! Meron pang ano, first na The Clash concert, and they asked me to do that Christmas special.
“Siyempre, ‘Oh my gosh! Tama ba ito?’ I actually turned it down. And then sabi nila, ‘Sige na, Lani, try mo, try mo.’ So to make it short, ginawa ko nga, and then ano nga ba yung kakantahin ko? ‘O holy night, the stars are brightly shining…’
View this post on Instagram
“Take. Shoot. Roll! I had to redo it. Sintonado pala ako for the most part. Kasi nga, ang nadidinig ko, iba. Lahat ng music, lahat ng nadidinig ko, sintonado. Siyempre iyon ang susundan mo na tono. Kung ano yung nadinig mo.
“Yun yung pumapasok na registration sa brain ko. Yun ang susundan ko. And then also siguro, I was having a hard time singing that time, nung 2020, because we were under steroids for over a month.
“For over a month. And I feel na talagang kumapal yung boses ko. Di ba, yung mga athlete? Di ba, yung iba du’n, di ba, nag-steroids sila para mag-build ng muscle easily and quickly?
“Tapos lumalaki yung mga boses. Parang ganu’n yung feeling ko, lumaki yung boses ko, bumaba, and then hindi ko nahi-hit yung mga notes. So yes, I wanna let you know na oo, nagsintunado talaga ako,” pag-amin pa niya.
Pero in fairness, nang magpasampol ng pagbirit si Lani ay napanganga at napa-wow na lang ang press dahil ang galing-galing pa rin niya at walang kasablay-sablay.
Magaganap ang “Still LANI” sa August 21, sa The Theatre at Solaire, produced by Nate Quijano and Cris Mananquil ng Backstage Entertainment (a division of Backstage Manila).
Ang musical director nito ay si Toma Cayabyab, anak ng National Artist na si Ryan Cayabyab at mula sa direksyon ni Calvin Neria.
Isa pang natanong kay Lani ay kung natatakot pa ba siyang magsintunado sa kanyang comeback concert?
“Yes, of course, I have that fear. I’m gonna admit it. I’m not gonna lie about it. Yes, I still have that fear na baka alam mo yun.
“But with the people behind me who’s going to do the show, we have a great sound system, we’re going to have a great sound engineer.
“Nakakatuwa itong concert na ito. Na parang si Lani na nasa industriya na ng 40 years at, somehow, I’m also at the… kumbaga yung sa sinehan, merong exit na pintuan.
“I’m almost, you know, few steps away from that exit door, and now these young talented people are starting to enter… actually nandito na sa industriya.
“Na ang mga paa nila, nandito na sa industriya, and I’m just really excited to be able to experience the kind of work we’re going to have in this concert.
“Si Toma Cayabyab ang ating musical director and conductor ng ating 40-piece orchestra. And siyempre ang ating direktor ng concert, si Calvin na ngayon ko lang uli makakatrabaho.
“May mga shows kami na ginawa noon na matagal-tagal na, kaya excited akong makatrabaho siya uli. So yun, with the help of all these amazing people, I know I’m gonna be okay.
“With God’s help! With God’s help, I’ll be okay,” pahayag pa ni Lani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.