Ai Ai ayaw nang pakantahin si Lani kapag ikinasal uli, may ‘sumpa’

Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha
LAUGH kami nang laugh sa “bardagulan” ng magkaibigang Ai Ai Delas Alas at Lani Misalucha nang mag-guest sila sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Game na game na sinagot ng dalawang judge ng reality singing contest ng GMA 7 na “The Clash” ang mga question ng King of Talk na si Tito Boy Abunda.
Ibinuking ni Ai Ai ang isa sa mga nakakalokang agreement nila ni Lani na may kaugnayan sa kanyang lovelife at pakikipagrelasyon.
Sey ni Lani, ayaw na raw talaga siyang pakantahin ni Ai Ai kung sakali mang ikakasal siya ulit. Natanong kasi ni Tito Boy ang Asia’s Nightingale kung ano ang maipapayo nito para sa kaibigan.
Sagot ni Lani, sinabihan daw siya noon ng Comedy Queen na, “‘Huwag mo na akong imbitahan para kumanta sa kasal mo.'”
View this post on Instagram
Hirit namang dugtong ni Ai Ai, “Kasi kapag siya ‘yung kumakanta (sa kasal), parati akong nahihiwalay.” Na sinundan nila ng malakas na tawanan.
Pero seryosong sabi ni Ai Ai, ang advice niya sa sarili ay, “Love yourself, and love yourself more, forever.”
Samantala, dahil panahon nga ngayon ng eleksyon, isa pa sa naitanong kina Lani at Ai Ai kung pumasok ba sa isip nila ang sumabak din sa mundo ng politika.
Sey ng Comedy Queen, ilang beses na siyang inalok na magsilbi sa bayan. May nag-offer sa kanya na tumakbo bilang mayor.
Sey ng komedyana, “Naoperan ako, marami nang times. Mayor ng Calatagan. Feeling ko hindi ko pa kaya ‘yung ganoon kataas na posisyon.
“Bukod sa mag-aral muna tayo, mababa munang posisyon. Saka tayo mag-mayora,” aniya.
Kuwento naman ni Lani, may nag-alok din sa kanya na maging public servant, “Puro lang mga biruan na may halong gusto talaga nila. Pero masaya na po ang kinalalagyan ngayon.”
Inamin naman ni Ai Ai na gusto niyang subukang magka-career sa Hollywood, “‘Yun ang plano ko for this year until 2026. Gusto kong i-try sa Hollywood kasi wala namang mawawala. Mag-isa na lang ako and there’s no harm in trying.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.