Nadine Lustre nagdemanda laban sa bastos na bashers, suportado ni Leila de Lima

Nadine Lustre (Photo from Leila de Lima Facebook page)
NAGSAMPA ng pormal na reklamo ang aktres na si Nadine Lustre kaugnay ng patuloy na panghaharas at pambabastos sa kanya sa social media.
Nangyari ang pagpa-file ng complaint ni Nadine “for violation of the Safe Spaces Act” kahapon, May 21, dahil sa malilisyosong pag-atake sa kanya ng ilang indibdwal o grupo sa socmed.
Sa Facebook account ni Leila de Lima, nagpahayag ng suporta ang kanilang party-list na ML sa hakbang na ito ni Nadine. Isa ang aktres sa mga nag-endorso sa naturang grupo nitong nagdaang eleksyon.
Kalakip ang mga litrato na kuha sa pagsasampa ng reklamo ni Nadine ang mensahe ng ML para sa kanilang supporter na celebrity.
“We at ML Partylist express full support for Nadine Lustre as she files a complaint for violation of the Safe Spaces Act in response to the relentless and malicious attacks she has endured.
“This is a necessary step in a time when social media is being used to silence voices that speak for justice and reform. Ginagamit ang mga plataporma para buwagin ang makabuluhang diskurso at palitan ito ng galit at paninira.
“We believe in freedom of expression. Pero ang kalayaang ito ay hindi dapat gamitin laban sa katotohanan, dignidad, at demokrasya.
View this post on Instagram
“Expression becomes dangerous when it is driven by disinformation and personal malice.
“Marami sa mga lumalabas sa social media ngayon ay hindi maituturing na opinyon.
“These are part of deliberate effort to harass, discredit, and instill fear. May masamang intensyon. May malinaw na layunin na patahimikin ang mga tumitindig,” ang bahagi ng official statement ni Leila de Lima hinggil sa reklamo ni Nadine.
Patuloy pa niya, “We support Nadine. Her case is a stand for truth and accountability. Make no mistake: we will push back against this kind of behavior. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito dapat palampasin.
“Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan.”
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang aktres sa isinampa niyang reklamo at kung sinu-sino ang nais niyang pananagutin sa kanyang reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.