Edu very proud sa anak na nagtapos ng master’s degree sa New York: ‘I’m blessed!’

PHOTO: Instagram/@realedumanzano
IBINANDERA ni Edu Manzano ang pagiging proud father niya para sa anak na si Enzo.
Nakapagtapos kasi ito ng Master’s Degree in Public Administration sa New York University (NYU)!
Sa Instagram, ibinida ng batikang aktor at host ang ilang moments sa naganap na graduation ceremony, kasama ang ina ni Enzo na si Rina Samson, at ang kapatid na si Addie Manzano.
Hindi rin nagpahuli ang mag-ama sa pag-celebrate kung saan makikita ang picture nila na nag-toast.
Baka Bet Mo: Edu ibinuking ang mga ‘sikreto’ ni Maricel tungkol sa mga balikbayan box: ‘Nakakaloka ka pa ring kausap!’
“May 16, 2025 was the day our son Enzo graduated with a Master’s Degree in Public Administration from New York University (NYU),” bungad ni Edu sa IG.
Caption pa niya, “Super proud moment! [I] am blessed that ALL my kids are successful in their chosen careers. Thank you.”
View this post on Instagram
Bukod diyan, nagbahagi rin si Rina ng mas marami pang mga eksena mula sa graduation at mula sa kanilang intimate na selebrasyon sa isang cozy restaurant.
View this post on Instagram
Si Edu ay nasa New York na sa unang linggo ng Mayo at mula noon ay ibinabandera niya sa Instagram ang mga bonding moments kasama ang kanyang mga anak, at siyempre, ang kanyang pagiging lolo kay Jaime Wolf, ang anak ni Addie.
View this post on Instagram
Bukod kina Enzo at Addie, may dalawa pang anak si Edu na sina Luis Manzano at Diego Manzano, na parehong successful sa kanilang buhay at karera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.