Kris sinasarili na lang ang sobra-sobrang hirap sa karamdaman

Kris Aquino sinasarili na lang ang sobra-sobrang hirap sa karamdaman

Ervin Santiago - June 08, 2025 - 07:15 AM

Kris Aquino sinasarili na lang ang sobra-sobrang hirap sa karamdaman

Kris Aquino at Dindo Balares

MALIGAYA at nae-enjoy ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang quiet life ngayon at paninirahan malapit sa tabing-dagat.

Isa ito sa mga talagang kailangan ni Kris sa gitna ng patuloy niyang pagpapagamot at pagpapagaling sa iba’t ibang uri ng karamadaman, kabilang na ang 10 autoimmune diseases.

Bukod sa tahimik at magandang kapaligiran kung saan siya naninirahan ngayon, puro masusustansiya at sariwang mga pagkain ang nilalafang araw-araw ng award-winning TV host-actress.

Sa Facebook post ng dating tabloid entertainment editor at confidante ni Kris na si Kuya Dindo Balares, kinumpirma niya na muli silang nagkita at nakapag-bonding ni Kris.

Pinapunta raw siya ng aktres at TV host sa tinitirhan nito ngayon kamakailan para mag-catchup at nag-request na ipagluto siya ng mga “katutubong” pagkain na makakatulong sa kanyang kalusugan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“SORRY PO sa mga nagtatanong kung saan ko pinuntahan si Kris Aquino.

“May NDA (non-disclosure agreement) po kami, at nagui-guilty ako ‘pag ‘di ko nasasagot, pati na ang personal questions.

“Pagpasensiyahan na po ninyo, or else masasabihan na naman niya ako na kung minsan daldal daw ako.

“E, talaga namang hindi lang minsan, always.

“Alam naman siyempre nating lahat kung bakit ‘di kailangang ilabas ang location,” simulang pagbabahagi ni Kuya Dindo.

Pagpapatuloy pa niya, “Gusto niyang kumain ng mga nilulutong katutubong pagkain ng kanyang adopted tatay, kaya ako pinasunod.

“At para na rin ‘di na tawagan at chat lang ang mga kuwentuhan namin tungkol sa buhay-buhay,” aniya pa sa kanyang FB post.

Pangako naman niya sa mga loyal fans and supporters ni Kris, “Hayaan ninyo, isusulat ko paminsan-minsan ang mga usapan namin — na may malungkot pero mas marami pa rin ang inspiring, nakakatuwa, at nakakatawa.

“‘Super nature lover’ ang tawag niya sa akin, so alam din niyang matutuwa ako dito sa bagong mundo niya.

“Ito ang isa sa napakaraming mga dahilan kung bakit mo mamahalin si Kris.

“Nahihirapan man sa mga karamdaman nang sobra-sobra — na sinasarili na lang niya — kapag masaya siya imposibleng hindi niya ibahagi sa iba.

“Happy si Krisy sa kanyang paninirahan sa tabing-dagat at sa mga sariwang pagkain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito ang isa sa mga pinakamahalaga sa kanyang buhay sa kasalukuyan,” pahayag pa ng malapit na kaibigan ni Kris Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending