Gabbi hindi pa kering sumabak sa pageantry: May mga bagay na hindi muna para sa’yo

PHOTO: Facebook/Gabbi Garcia
HINDI pa prayoridad ngayon ni Gabbi Garcia ang pagsali sa mga beauty pageant, lalo na sa Miss Universe Philippines.
Ito ang sinabi mismo ng aktres sa kabila ng mga panawagan ng kanyang mga fans na subukan niya ito.
Sa panayam niya kay Boy Abunda sa programang “Fast Talk,” sinabi ni Gabbi na malaking balakid sa pangarap niyang ito ang mga kasalukuyan niyang trabaho at obligasyon.
“I’m turning 27 this year so it would have been the perfect time to join, right? Pero nga kasi, I’ve been saying I’ve been open about this, there are a lot of factors to consider if I could join or not,” sey niya.
Baka Bet Mo: Gabbi Garcia naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA; type sumabak sa LGBTQ project
Paliwanag ng Kapuso star, “You know, relationships with brands na baka hindi ma-i-push kung sumali ako because I would have to drop everything or pause everything.”
“[In] short, I would be jobless for maybe a year or two if I continue to join. So I don’t think it’s the smartest thing to do right now,” patuloy niya.
Sinabi rin ni Gabbi na aware siya na marami ang nagnanais at umaasa na sumali siya sa pageantry.
“Kung ako lang talaga and wala akong iba i-sa-sacrifice, I would have joined. Maybe I could have tried and tried already until I reached the crown, right?” sambit niya.
Pero ang rason niya: “There are different priorities that I have to weigh as well now that I’m in the industry for 11 years. So until now it’s still an unanswered thing in my head.”
Gayunman, bukas pa rin daw si Gabbi sa posibilidad na makasali siya in the future.
“May mga bagay na kahit na gustong-gusto natin para sa sarili natin, sinasabi na ni Lord at sinasabi ng destiny na hindi siya muna para sa ‘yo. So, I’m not closing my doors, definitely. I’m still open,” wika niya.
“But as of now, I have different things to prioritize,” giit ng dalaga.
Matatandaang noong 2020, ibinunyag ni Gabbi na isa sa mga pangarap niya noong bata pa siya ay ang maging beauty queen.
Noong 2024 naman, lumutang ang mga chismis na sasali siya sa Miss Universe Philippines, ngunit agad naman niya itong itinanggi.
Kamakailan lang, nag-renew si Gabbi ng kanyang kontrata sa GMA Network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.