Julia Barretto, Joshua Garcia muling nagpakilig sa ‘Dikitan Challenge’

Julia Barretto at Joshua Garcia
NAGLABAS ng lumang reels nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang Facebook page ng ABS-CBN para sa Kapamilya chat kaninang madaling araw, May 26.
Feeling namin ay kuha ito noong nagpo-promote ang dalawa ng pelikula nilang “Un-Happy for You” na ipinalabas noong nakaraang taon.
Anyway, naaliw kaming panoorin ang nasabing reels dahil kumasa sa “Dikitan Challenge” ang former couple.
Ang unang challenge ay ang labi ni Julia na ilalagay sa tuhod ni Joshua na aabutin ng 5 seconds. Itinaas ng aktor ang tuhod niya at sabay lagay ng aktres ng labi niyang nakahalik talaga.
Ikalawa ang ilong ng aktres na ididikit sa pisngi ng aktor na akmang hahalikan pero umiiwas ang una. Sabi ng host, “Si Joshua para-paraan!”
Ikatlo naman ay ilagay ang kamay ni Julia sa buong mukha ni Joshua. Nang tinanong ng host kung anong amoy ng kamay ng dalaga ay sumagot ito ng, “Bagong CR.”
View this post on Instagram
Sa ikaapat ay siko ng aktor na ilagay sa tummy ng aktres at ang ikalima ay ang kamay ni Joshua ilalagay sa pisngi ni Julia na una ay ayaw pa dahil baka dirty ang hands ng aktor pero sumunod pa rin ang huli.
Pang-anim ay nabunot ni Julia ang leeg na ilalagay din sa leeg ni Joshua at sabay biro ng host ng, “Nngiti ni Joshua nanalo na siya.”
Ikapito ang siko ng dalaga na ilalagay sa noo ng binata at akmang aamuyin o hahalikan ng aktor ang kili-kili ng aktres na iniiwas naman ng dalaga.
At ang pangwalo ay ang labi ni Joshua na ididikit sa noo ni Julia pero ang ending ay hinalikan niya ito ng apat na beses at ang panghuli ay malapit sa mata ng dalaga.
Kinukulit ni Joshua si Julia at napapangiti naman ang dalaga kaya tiyak na kinilig ang loyal fans nila kapag napanood ang reels na ito na umabot na ng 1,100 likes sa ilang minutong pagka-post nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.