Michele Gumabao dinalaw sa kulungan ang ama bago magpakasal

Dennis Roldan, Michele Gumabao at Aldo Panlilio
KUNG siya lang sana ang masusunod, nais ng beauty queen at volleyball star na si Michele Gumabao na kasama niya ang ama sa kanyang pagpapakasal.
Ayon kay Michele, palaging nasa isip niya na hintayin ang tatay niyang aktor na si Dennis Roldan bago ikasal para makasama niyang lumakad at maihatid siya sa altar.
Alam naman ng lahat na nakakulong pa rin si Dennis sa National Bilibid Prison matapos hatulan ng lifetime imprisonment noonv 2014, dahil sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.
Ngunit sabi nga ni Michele, naniniwala siyang darating din ang panahon na makakasama nilang muli ng kanilang pamilya ang kanyang ama.
Nabanggit din ni Michele na dinalaw nila sa kulungan ang kanyang tatay dahil hindi nga ito makakadalo sa kanyang kasal.
Sabi pa ng volleyball stars, suportado at may basbas ng kanyang ama ang pagpapakasal niya kay Aldo Panililio.
View this post on Instagram
Samantala, sa guesting ni Michele sa “Fast Talk With Boy Abunda” marami ang nagsabing mas blooming at mas gumanda pa siya ngayon mula nang magpakasal kay Aldo.
Sey ni Michele, napakarami pa niyang discoveries mula nang magsama sila ni Aldo as married couple.
Aniya, nakatulong nang malaki ang mahabang relasyon nila ni Aldo para mas makilala pa nila ang isa’t isa bago magpakasal.
Sey ni Michele, feeling niya ay mas naging sweet at thoughtful pa si Aldo after ng kanilang wedding at in fairness mas nagkaroon pa raw sila ng quality time together at naging clingy pa sa isa’t isa.
“Out of the blue, nagpapadala siya ng food and may mga maliliit siya na surprise. After the wedding, mas naging bongga siya,” sey ni Michele.
“Tito Boy, I would tell you, my husband is more competitive than me like grabe talaga siya. I would choose not to compete against him because grabe talaga siya when it comes to competition.
“He’s an avid sports fan, he loves playing basketball, he’s super competitive,” ang tugon ng beauty queen nang matanong kung may competition ba sa pagitan nilang mag-asawa.
Nasabi rin ni Michele na ang palaging sinasabi sa kanya ng inang si Loli Imperial ay patawarin ang kanilang ama.
“She’s our everything. She’s like the glue of our family, she’s a prayer warrior, she’s our number one cheerleader, and sobrang hindi talaga nagagalit ang mom,” sey ng volleyball player.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.