Dina Bonnevie nangungulila pa rin sa namayapang asawa: I miss him so much

Dina Bonnevie at DV Savellano
EMOSYONAL na ibinahagi ng veteran actress na si Dina Bonnevie ang kanyang nararamdaman limang buwan makalipas ang pagpanaw ng asawang si Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano.
Ayon sa premyadong aktres, kahit limang buwan na ang dumaan ay miss na miss pa rin niya ang namayapang mister at aminadong hindi pa rin siya makapaniwala na wala na si DV sa mundo.
Sa kanyang Instagram page, nagbahagi si Dina ng isang short video kung saan makikita ang mga litrato nilang mag-asawa na kuha sa iba’t ibang okasyon.
Maririnig sa background ang kanta ni Ed Sheeran na “Visiting Hours”. Sey ni Dina sa caption ng kanyang IG post napakarami nang nagbago mula nang mamatay si DV.
“I long for my husband’s embrace; I wish I could tell him everything and he could hold me and wipe away my tears, and protect me and make me feel safe,” ang pahayag ni Dina.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “I can almost hear him whispering in my ear, ‘My queen, my love, my life, always remember that as long as I am here, nothing can harm you because God is with me, with us! He is our strength and our power.’”
“I love and miss him so much but I know that he’s with Jesus and will always be there to guide me and pray for me.
“I would like to thank my Ilocana friend @viasantiago216 for making this video for me. Thank you Via for patiently listening to me and comforting me. Love you!” ang mensahe pa ni Ms. D.
Matatandaang January 7 nang kumpirmahin ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7 ang pagpanaw ni DV.
Nakausap ni Tito Boy si Dina bago umere ang kanyang programa nu’ng araw na iyon at doon nga niya nalaman ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng asawa ng aktres.
“On behalf of the men and women of Fast Talk, kami ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya ni DV at kay Dina Bonnevie.
“We will be praying for courage, we will be praying for your well-being. And sabi nga ni Dina, si DV po succumbed to abdominal aneurysm,” ang pahayag ni Tito Boy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.