'Only We Know' nina Dingdong at Charo aprub kay Marian Rivera

‘Only We Know’ nina Dingdong at Charo aprub kay Marian: Naka-relate siya!

Ervin Santiago - May 27, 2025 - 12:15 AM

'Only We Know' nina Dingdong at Charo aprub kay Marian: Naka-relate siya!

Dingdong Dantes, Charo Santos, Irene Villamor at Marian Rivera

ISA si Marian Rivera sa mga nakapanood ng final cut ng pelikulang “Only We Know” na pinagbibidahan ng kanyang asawang si Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio.

Ito’y mula sa direksyon ni Irene Emma Villamor and produced by Star Cinema, Cornerstone Studios, AgostoDos Pictures at 7K Entertainment.

Kahapon, humarap sa ilang members ng entertainment press, kasama ang BANDERA sina Charo, Dingdong at Direk Irene para sa grand media launch ng “Only We Know”.

Dito nga natanong ng BANDERA si Dong kung ano ang naging reaction ni Marian nang malamang magsasama sila ni Charo sa isang pelikula na mala-May-December affair ang peg.

Sey ng Kapuso Primetime King, “Very, very happy. In fact, isa siya sa pinakaunang nakapanood ng final cut. At nu’ng ipinanood ko sa kanya yun, sobrang nagustuhan niya yung pelikula.

“Tinext niya si Direk Irene tapos sinabi niya she loves the film and maybe naka-relate raw siya as a woman. Ganu’n kalakas yung naging portrayal ng character ni Betty (Charo),” pahayag ni Dingdong.


Aniya pa, “Nag-resonate sa kanya at ang wish nga niya ay sana mas maraming makapanood at sa cinema talaga siya ipalabas para iba yung magiging viewing experience.”

Sasagutin daw ng pelikula ang hugot question na, “Kailangan pa ba ng label sa isang relasyong nagpapatibok ng iyong puso?”

Nakakikilig at nakakaintrigang kwento ng pag-ibig ang handog nina Charo at Dingdong sa “Only We Know,” na mapapanood sa mga sinehan simula sa June 11.

Tampok sa movie ang nakaaantig na samahan sa pagitan ng dalawang taong labis na nagmamahalan na para bang may sariling mundo kapag kapiling ang isa’t isa.

Para kina Charo at Dingdong, nakakaintriga ang kwento ng pelikula dahil nag-uumapaw ang damdamin ng kanilang mga karakter pero sila lang ang makakapagsabi kung ano nga ba talaga sila sa buhay ng isa’t isa.

“It is a story about love, however you want to define it. Love between two people – no labels. We learned how to not be afraid to go with the flow. It was about finding love in each other.

“It is only Betty and Ryan who can define the beautiful kind of relationship that they have,” ang sey ni Charo.

“It’s also a story about redefining labels. Ang interesting sa pelikula na ito ay babasagin nito ang kahulugan ng label na ‘kailangan pa ba natin ng label sa ganitong klaseng magandang samahan o kung ano man ang itatawag natin kung sa ano ang meron tayo?’” saad naman ni Dingdong.

Makikilala sa kwento si Betty (Charo), isang masayahing babae ngunit nangangapa pa sa bagong yugto ng kanyang buhay matapos mag-retiro bilang English teacher.

Maaaring mabigyang-linaw ang ilang tanong niya sa buhay nang makilala ang gwapong engineer na si Ryan (Dingdong), na nahihirapan naman magmove-on matapos ang biglaang pagpanaw ng kanyang asawa.

Unti-unting mamumuo ang isang espesyal na relasyon sa pagitan nina Betty at Ryan sa kabila ng malaki nilang agwat. Handa na nga ba nilang magpakatotoo at panindigan kung ano man ang nararamdaman nila para sa isa’t isa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa cast din ng “Only We Know” sina Shamaine Buencamino, Joel Saracho, Al Tantay, Max Collins, Soliman Cruz, Isabel Oli, Johnny Revilla, Rafa Siguion Reyna, Yesh Burce, at Gil Cuerva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending