SB19, BINI hahataw sa OPM Con 2025; paano kukuha ng tiket?

SB19, BINI, Flow G hahataw sa OPM Con 2025; paano, saan kukuha ng tiket?

Ervin Santiago - May 29, 2025 - 04:07 PM
SB19, BINI, Flow G hahataw sa OPM Con 2025; paano, saan kukuha ng tiket?

MALAPIT na malapit na ang pinakaaabangang event of the year sa mundo ng musika, ang star-studded na “OPM Con 2025“.

Magsasama-sama rito ang pinakamalalaking pangalan sa music industriya — SB19, BINI, Flow G, Skusta Clee, KAIA, G22, Sunkissed Lola, at marami pang iba.

Sa napakaraming tagapagtangkilik–dito at sa ibang bansa–na nais makadalo sa “OPM Con 2025” ng Puregold, nagbahagi ng kanyang pagkasabik ang senior marketing manager na si Ivy Hayagan Piedad.

“Ang panalo concert ay dalawang bagay: isang dekalidad na palabas na maaaring i-enjoy ng mga mamimili sa abot-kayang mga presyo, at pagkakataon din ng mga artista na ibahagi ang kanilang pagmamahal sa mga fan,” aniya.

Bilang tugon sa grabeng pagtangkilik sa “OPM Con 2025”, higit 50 sangay ng naturang kumpanya sa buong bansa ang magbubukas ng kanilang mga pinto sa May 30 para sa mga mamimili na nais mapanood ang pinakainaabangang pagsasama-sama ng mga musikerong Pinoy.

Mas pinadali na rin ang pagbili ng tiket para sa mga miyembro ng Aling Puring at Perks card. Narito ang mga hakbang: para makatanggap ng libreng tiket sa “OPM Con 2025”, kailangan lamang magkaroon ng minimum single receipt na may halagang katumbas ng uri ng tiket.

Mabilis lamang ang hakbang para makakuha ng tiket. Una, pagdating ng Puregold, kumuha ng queueing number ng nais mong ticket type. Ikalawa, bumili ng grocery na katumbas ng halaga ng iyong napiling tiket.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Innah Bee 🇵🇭 (@innah_bee)


Sunod, ipakita ang Aling Puring o Perks Card, queuing number at resibo sa Enlistment at Confirmation booth kung saan ilalagay ang transaction number. Tandaan, itago ang resibo o kuhanan ito ng litrato dahil ang transaction number ang ekslusibong code na kakailanganin upang ma-redeem ang tiket sa Ticketnet Online website.

Tanging mga miyembrong nakapangalan sa Aling Puring o Perks cards lamang ang maaaring makakuha ng kanilang libreng ticket sa pamamagitan ng Ticketnet Online mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 22, 2025. Kaya’t kailangang tiyakin ng mga miyembro na may account sila sa Ticketnet website.

Tandaan ng mga miyembro na maaari lamang silang makakuha ng isang ticket kada transaksiyon.

Para sa mga edad 18 taong gulang pataas na kukuha ng ticket para sa mga menor de edad, tandaan na kailangang samahan ng isang adult ticket holder ang bata sa araw ng konsiyerto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kinakailangan ding mag-fill out ng waiver sa pagpasok sa Philippine Arena. Ang minimum age na pinapayagan sa VIP soundcheck section ay 10 taong gulang, habang sa ibang sections, papayagan ang batang 4 taong gulang pataas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending