Leila Alcasid, Curtismith kasal na; Ogie emosyonal: Pagmamahalang walang patid!

PHOTO: Instagram/@ogiealcasid
“THE big day!”
‘Yan ang masayang caption ni Ogie Alcasid sa kanyang Instagram post bilang proud father of the bride.
Ikinasal na kasi ang kanyang anak na si Leila Alcasid sa longtime boyfriend nito na si Curtismith o Mito Fabie sa tunay na buhay.
Ang intimate wedding ceremony ay ginanap sa Australia.
Hindi binanggit kung kailan nangyari ang kasal, pero makikita sa litrato ang welcome sign sa wedding na may nakasulat na petsa na “05.29.25.”
Baka Bet Mo: Regine, Ogie may pa-concert sa pamamanhikan ni Mito kay Leila
View this post on Instagram
Kasunod niyan ang isa pang post ni Ogie na ibinabandera ang couple na tila nasa reception na.
“Pag ibig. Pagmamahalang walang patid. Kami ay nagbubunyi. We love you Curtismith and Leila. The Lord bless you both!” emosyonal na mensahe ni Ogie.
View this post on Instagram
Pero bago ang lahat, makikita rin sa IG na nagkatipon-tipon pa ang buong pamilya para sa isang espesyal na dinner sa isang restaurant sa Sydney.
Nandoon siyempre ang mga bigating guests: si Michelle van Eimeren (mommy ni Leila), si Regine Velasquez (stepmom ni Leila), at ang mga kapatid niyang sina Sarah at Nate.
Ang sey sa caption, “Lovely dinner with the fambam before the big day. Food here is amazing!”
View this post on Instagram
Matatandaang noong 2019 pa unang na-confirm ang relasyon nina Leila at Curtismith.
At noong September 2024, nag-propose na si Mito sa anak ni Ogie and since then ay nag-live in na ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.