Daniel Padilla puring-puri sa ‘eye-to-eye’ acting na ibinandera sa ‘Incognito’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@starcreativestv
MARAMING nakapansin sa acting ngayon si Daniel Padilla sa seryeng “Incognito” dahil sa mata-mata acting nilang dalawa ni Louise Abuel, ang kapatid niyang dalawang dekadang nawalay sa kanilang mag-lola na si Malou de Guzman.
Ang masayang naramdaman ni Daniel bilang “Andres” nang makita na niya ang kapatid na si Louise as Jun/Diego ay napalitan na ng pagkabahala dahil sa nao-obserbahan niyang kakaibang kilos nito.
Sa Episode 92 ng serye ay inaya na ni DJ/Andres si Louise/Jun na magsama-sama na sila kasama si Malou/Apo pero tumanggi ito dahil mas gusto na nito ang buhay niya ngayon bilang si Diego bagay na ikinataka ng una.
Pero tumanggi si Jun, “Kuya hindi dahil nagkita tayo magbabago na ‘yung buhay ko. Gusto ko ‘yung buhay ko na meron ako ngayon, e. Di ko ipagpapalit ‘yun dahil nakasama ko kayo.”
Baka Bet Mo: Anthony Jennings, Maris Racal mabenta sa mga senior; lola nahilig sa bakbakan
Hindi nakapagsalita si DJ/Andres dahil tila nabingi sa sinabi ng kapatid na ayaw na silang makasama kaya napatango na lang at sabay sabing, “Jun, kapatid mo pa rin ako at si Apo (Malou) buong buhay ka niyang hinihintay.”
Pero matigas si Louise/Jun, “Kuya sorry, pero may sarili na kasi akong buhay, e. May kanya-kanya na tayong buhay. Hindi na ako si Jun! I’m Diego!”
Pinili pa ring kalmahin ni DJ/Andres ang sarili at sinabing gusto nilang bumawi kay Jun sa matagal na hindi siya nakapiling kaya gusto niyang magsama-sama na ulit sila.
Nawala ang ngiti ni Daniel/Andres sa sagot ng kapatid na, “Hindi kailangan.”
“Jun hindi kita naiintindihan. Umiiwas ka bas a akin? Ano ba? Nu’ng nasa sementeryo tayo umalis ka! Nu’ng naglalakad ka nagbihis ka pa, nagtatago ka pa, ano ba ‘yun? Ano may tinatago ka ba? Sige nga, ano bang buhay ang meron ka?” iritang tanong ni Andres.
Iritang sagot ni Louise/Jun/Diego, “Bakit ba ganyan ka magtanong? I was taken from my family when I was seven. For the longest time ako lang mag-isa. Pakiramdam ko kailangan ko laging magtago. Kuya hindi mo kasi alam ‘yung takot na naramdaman ko no’n, e. Hanggang na-rescue ako ni papa (Joem Bascon/Manuel Aguinaldo). Pinalaki ako na dapat hindi ako agad nagtitiwala sa ibang tao. Kasi ‘yun ang paraan para tumapang ako. Mali ba ‘yun?”
“Jun, kuya mo ako, gusto ko ligtas ka,” malumanay na sabi ni DJ/Andres.
“Ligtas ako, okay ang buhay ko!” sey naman ni Louise/Jun/Diego.
At pumayag na si Daniel/Andres pero sa isang kundisyon na gusto nitong makilala kung sino ang ama ni Jun/Diego na pumayag naman.
Samantala, pag-uwi ni Daniel/Andres sa Apo niya ay tsaka nito ikinuwento na ayaw nang bumalik sa kanila ni Louise/Jun dahil nga may sarili na itong buhay, bagay na naintindihan ng lola ng dalawa pero iginiit pa rin ng una na sana maayos nga talaga ang buhay ng kapatid bagay na nagduda si Apo sa sinabi ni DJ.
Sa episode 94 ay nakilala na ni Daniel/Andres ang umampon sa kapatid niyang niyang si Jun/Louise/Diego na si Joem/Manuel at nagkakapaan ang dalawa.
Palibhasa parehong dating military ang dalawa kaya alam nila sa isa’t isa kung ano ang pakay ng una sa huli.
Nagkatanungan kung ano ang pinagkakakitaan nang dalawa at nang sabihin ni DJ/Andres ay sinagot siya ni Joem/Manuel nang nakangiti, “Alam mo, alam ko ang ginagawa mo, alam ko kung bakit ka nandito at kung ano ang pakay mo.”
Parehong nakatitig sa isa’t isa ang dalawa samantalang si Louise/Jun/Diego ay tila na-tensyon at palipat-lipat ang tingin sa kapatid at ama-amahan.
Anyway, sa teaser ng episode 95 ng “Incognito” ay tinanong ni Louise/Jun/Diego ang kuya Andres niya kung gusto nitong kumita ng malaki at ito ang aabangan mamayang gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant at Netflix.
Hmm, hindi kaya imbes na si Louise/Jun/Diego ang papatay kay Barrios ay ipapasa niya sa Kuya Andres niya bilang pagsubok kung totoong hindi siya isa sa kontraks? Sabi nga ni Joem/Manuel alam niya ang ginagawa ng kuya ng anak-anakan.
Isa pang scene stealer ay ang unang beses na nagalit si Contractor/Ian Veneracion kay Daniel/Andres dahil nga gusto nang kumalas ng huli.
Sey ni Ian na mataas ang tono, “Pine-personal mo ako? Nagbitaw ka sa akin ng salita tinanggap mo ‘yung kontrata, akala mo puwede kang umalis kung kailan mo lang gusto? We will not be compromise by you. Inuulit ko Andres, ‘wag mo akong pine-personal. Quitting is not an option. I expect you in your position. No fucking excuses!”
Hindi na nakabawi pa ng salita si DJ/Andres dahil tinalikuran na siya ni Contractor/Ian at pinaliwanagan naman na siya ni Richard Gutierrez as JB kaya napapayag na ulit ang una sa kontrata nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.