‘Superman’ lilipad pa-Pinas, mga bida at direktor ng pelikula darating sa June 19

‘Superman’ lilipad pa-Pinas, mga bida at direktor ng pelikula darating sa June 19

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

LOOK up in the sky…it’s a bird, it’s a plane –HINDI! It’s SUPERMAN na papunta na sa PILIPINAS!

Yes, yes, yes mga Ka-Bandera! Makikita na natin in-person ang gaganap na Superman sa bagong pelikula nito!

At hindi siya mag-isa, dahil kasama niya rin ang buong super team.

Kinumpirma ng direktor ng pelikula na si James Gunn, pati na rin ng mga bida na sina David Corenswet (ang bagong Clark Kent/Superman) at Rachel Brosnahan (as Lois Lane).

Baka Bet Mo: Henry Cavill nagpaalam na bilang ‘Superman’: It’s been a fun ride with you all…

Ayon sa kanila, bibisita sila sa Pilipinas sa June 19 para makilala ang Pinoy fans ng inaabangang most anticipated superhero movie of the year.

Ang super fan event ay gaganapin sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay City, habang ang mismong pelikula ay sa mapapanood sa mga lokal na sinehan sa July 9.

“This project is more than just a movie to me. It’s a story about humanity, about what it means to be a hero in a world that doesn’t always make it easy to be one. I can’t wait for you to see it, sey ng movie director.

Ang bagong “Superman” ay unang pelikula ng DC Studios sa ilalim ng kanilang bagong cinematic universe.

Bukod kina David at Rachel, kasama rin sa cast ang mga bigating artista tulad nina Nicholas Hoult bilang Lex Luthor, pati sina Edi Gathegi, Anthony Carrigan, Nathan Fillion, Isabela Merced, at marami pang iba.

Read more...