Xian Gaza nagbabalik social media, main account binura ng Meta?

Xian Gaza
“MARS FOLLOW IN MY NEW ACCOUNT, MAG LIVE TAYO PARAMIHIN KO LANG ANG FOLLOWERS! #XianGaza #ChristianAlbertGaza #IvanaAlawix,” ito ang post ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Christian Albert Gaza.
Kahapon ng tanghali ay biglang nawala ang Facebook account ni Xian kaya nagtaka ang kanyang followers na abot sa milyones.
Ang naisip ng lahat ay dahil nag FB live siya para ipagtanggol ang kaibigan niyang si Ivana Alawi na nadawit sa kasong VAWC na inihain ni Ginang Dominique ‘Nikki’ Lopez-Benitez nitong Mayo 29 sa Makati City Regional Court laban sa asawang si Bacolod Congressman Albee Benitez.
Pinangalanan kasi ni ginang Dominique si Ivana Alawi na umano’y karelasyon ng kongresista bagay na pinalagan nga ng social media personality.
Baka Bet Mo: Xian Gaza nag-deactivate, nagtago na matapos maging ‘wanted’ kay Cong. Javi
View this post on Instagram
At dahil sa matitinding pahayag ni Gaza laban sa legal wife ni cong Albee ay nag-viral ito at naka ilang shares din ito bagay na nakarating sa panganay na anak ng mag-asawa na si Congressman Javi Benitez ng Victorias City.
Sa simpleng post ni cong Javi na, “@Chrisitan Gaza” ay viral na rin ito dahil as of this writing ay umabot na sa 13,000 shares ito.
Kaya naisip ng netizens na nabahag ang buntot ng self-proclaimed Pambansang Marites at nag deactivate ng kanyang FB account.
Kaninang madaling araw, 5AM ay bumalik na ang FB account ni Xian Gaza na mayroon agad 11,000 followers sa loob lang ng 10 hours pero ang sabi niya ay dinilete raw ito ni META ang luma.
Aniya, “So bakit nga ba dinelete ni Meta ang main account ko? Mga mars follow na kayo mag live tayo good news and bad news! Paramihin lang natin ng konti!! Share and follow mga MARS.
#ChristianAlbertGaza #XianGaza #IvanaAlawi
“Pati si lolo Meta nakuha ng mga Benitez. Wow paweer!”
At saka niya ni-respost ang dalawang FB live niya sa FB account na viral na rin.
Kaninang umaga ay binati ni Xian ang kanyang followers, “Good morning mga mars, Except kay Javi Benitez.”
May post din si Gaza na larawan nina cong Albee at Ivana Alawi na ito ‘yung kuha sa airport na unang beses silang nagkasama.
Ang caption ni Xian, “pagpalagay natin na totoong may relasyon sila, bakit siya ‘yung pag-iinitan mo, eh, napakaraming babaeng dumaan sa asawa mo for the last 21 years ha? At nagkaroon ng 2 illegitimate child .
“The picture below is them , They met when Ivana and Mr. Benitez worked in Bacolod. according to our very reliable source this is 100% kompirmd!”
Dagdag pa nito sa comment section niya, “Paldong paldo na si Ginang ano pa ba gusto? But I’m happy for her”
Sa kasalukuyan ay wala pang sagot si cong Javi sa pagbabalik ng FB account ni Christian Gaza pero nag-post siya ng family picture nilang mag-anak at nanalangin na sana maging maayos muli ang kanilang magulang at sa mga nagpahatid ng malasakit sa kanilang mag-iina na si ginang Dominique at kapatid na si Bettina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.