Ivana Alawi: Ang tingin nila sa 'kin easy to get ako, pero...

Ivana Alawi: Ang tingin nila sa ‘kin easy to get ako, pero…

Ervin Santiago - June 05, 2025 - 12:40 AM

Ivana Alawi: Ang tingin nila sa 'kin easy to get ako, pero...

Ivana Alawi

MAINGAY na naman ngayon ang pangalan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi dahil sa pagkakadawit sa marital issue ni Cong. Albee Benitez at estranged wife nitong si Dominique “Nikki” Benitez.

Sa complaint affidavit ni Nikki Benitez na may kaugnayan sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC), binanggit nito si Ivana bilang karelasyon ng nakahiway niyang asawa.

Sa gitna ng nasabing kontrobersya ay hindi nagsasalita si Ivana at mukhang dedma lang siya kahit nakakaladkad na ang pangalan niya sa away ng mag-asawang Albee at Nikki.

Maraming humihikayat sa Kapamilya actress na magsalita at ipagtanggol naman ang sarili ngunit parang wala naman itong kabalak-balak na rumesbak.

Habang mainit na pinag-uusapan ang isinampang reklamo laban kay Cong. Albee ay nananatili lamang tahimik ang kampo ni Ivana.

Sa panayam ng BANDERA at iba pang miyembro ng media sa aktres kamakailan ay diretsahang niyang sinabi na hindi na niya pinapatulan ang mga bashers at haters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Wala naman akong pakialam sa bashers. Deadma. Kung gusto nilang mang-bash, deadma. Wala ka namang magagawang perfect para sa kanila.

“Ang iniisip ko ay ‘yung mga nagmamahal sa akin at kung paano ako makakatulong. Sa bashers, wala naman akong pakialam,” pahayag ng seksing content creator.

Ilang ulit ding binanggit ng dalaga na single siya ngayon, “Trabaho muna. Wala lang siguro akong time.”

Sey pa ng dalaga, “Ang tingin nga nila ay easy to get ako. Pero ang totoo, hindi nila ako nage-get. Wala namang kailangang gawin pero ‘yung effort pa rin sa panliligaw.

“Siguro ‘yung mahal ng pamilya ko kasi kung hindi kasundo ng family ko baka hindi rin kami mag-work. Importante sa akin ang suggestion ng kapatid ko, ng mama ko,” aniya pa.

Sa tanong kung gaano na siya kayaman ngayon dahil sa balitang milyun-milyon ang kinikita niya bilang vlogger, “Mayaman ako sa pagmamahal, sa pamilya. ‘Yung pera, mawawala rin ‘yan. Contented ako kung anong mayroon ako.

“Kapag kinuha ka ni Lord, hindi mo maisasama ang materyal, bag, pera. Enjoy-in mo ‘yung buhay mo and surround yourself with your loved ones,” pahayag ni Ivana.

Anu-ano naman ang hinahanap niyang qualities sa isang lalaki, “Ang ideal guy ko ay hindi mayabang at may puso. ‘Yung same heart na gustong tumulong. Ang hirap na magkaiba kami ng ugali, ‘yung walang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Kapag showbiz, hindi talaga nagwo-work. Ilang beses na akong nag-date ng showbiz. Ginawa lang akong sugar mama. Okay lang ako sa split the bill pero huwag naman ‘yung todo-todo na ako ang sumasagot,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending