Ogie Diaz super proud sa anak, magiging doktor na: Naiiyak ako!
SUPER flex ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa isa niyang anak na malapit nang maging doktor.
Ibinandera ni Mama Ogs ang good news sa kanyang Facebook page kahapon, May 31, kalakip ang mga litrato ng anak na si Godhie.
Sey ng online host, bata pa lang daw ay nakitaan na niya ng potensyal ang anak, napakagaling daw nitong magkabisado ng mga kanta sa murang edad pa lang.
Aniya sa caption ng kanyang FB post, “Konting flex lang ‘to. Pasensiya na. Proud dad lang ang Mama Ogs n’yo.
Baka Bet Mo: Charo Santos naloka sa prank nina Dingdong at Ogie: OMG! Grabe kayo!
“3 years old pa lang, makarinig lang siya ng favorite song ng mama niya, ang bilis niyang makabisado. Kahit nga yung kanta ni Madonna, kabisado pa niya ang choreography sa bawat kanta habang patalon-talon ng lipat sa sofa ang batang ito na ang talas ng memorya.
“Sa loob-loob ko noon, ‘Mukhang magiging lawyer or doctor ang anak kong ito someday.’ Kasi nga, kailangang matalas ang memorya sa mga ganu’ng propesyon, eh.
“So eto na ngayon ang aking 21yo daughter na sobra akong proud na proud dahil siya mismo ang may pangarap na maging isang doktor.
“Hindi ipinilit, hindi rin inuto. Gusto niya talagang maging ob-gynecologist, dahil na rin sa pag-engganyo ng ninang niyang ob-gynecologist na si Dr. Cecille I. PerezI na siya ring unang nakakita sa kanya nu’ng nanganak ang mama niya sa kanya,” pagbabahagi ni Mama Ogs.
Sabi pa niya, “Nakakatuwa. Ang goal ni Godhie: mapaakyat kami ng mama niya sa stage kaya pinipilit niyang maging cum laude siya o magna cum laude o suma. Basta mapaakyat lang niya kami.
“And as proud parents, kasama kami ng mama niya sa kanyang journey para tuparin ang kanyang pangarap na maging doktor.
“Nu’ng May 27, dalawa kami ng mama niya sa mga proud parents habang isinasagawa ang 11th Medical Technology White Coat and Pinning Ceremony, dahil eto na yung taon ng kanilang internship sa ospital,” aniya pa.
Habang pinagmamasdan daw niya ang anak na nagsasalita sa stage ay naiiyak siya, “Siya ang nag-lead ng oath of loyalty to the faculty and to the profession; at yung isa namang akyat niya uli ay ang kanyang mensahe bilang incoming president ng Organization of MT Interns.
“Nakakatuwa rin na ang boyfriend niya ay kaklase rin niya at pareho silang may pangarap na maging doktor, dahil ang aking balaeng hilaw ay isa ring doktor.
“Kaya bagay sila at sana nga ay sila na rin ang magkatuluyan sa ending pagkatapos nilang patunayan sa mundo na kaya na nila habang nakamasid lang kaming mga parents.
“Manifesting na talaga ang anak ko na magiging doktor siya someday. Basta sabi ko lang sa kanya lagi, dahil sobrang subsob sa pag-aaral, ‘Anak, easy ka lang, ha? No pressure from us. Bawi-bawi ka rin sa pahinga. Yung vitamins mo, don’t forget. Don’t skip meals, ha?’
“’Tandaan mo, ang pangarap mo ay maging doktor, hindi maging pasyente,’” ang pahabol pang mensahe ni Mama Ogs sa nagtapos na anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.