Bea Alonzo, Vincent Co unti-unti nang ibinabandera ang relasyon sa publiko

Bea Alonzo, Vincent Co, Heart Evangelista at Chiz Escudero
PAGPAPATULOY ito ng kuwento sa isinulat namin tungkol kina Bea Alonzo at Puregold President Vincent Co na nakitang magkasama sa isang birthday party kasama sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.
Ang fashion icon ang nag-post sa kanyang Instagram stories ng larawang magkakasama sila nina Bea at Vincent at iba pang kaibigan saka itinag lahat maliban sa huli.
Anyway, ang dinaluhang birthday party pala ng magkakaibigan ay ang handler na si Nina Ferrer ng Star Magic na dating handler ni Bea noong hindi pa siya lumilipat sa GMA 7.
Nag-post si Nina ng larawang magkasama sila nina Bea at Vincent at kapansin-pansin na nakahilig ang aktres sa kaliwang balikat ng binata at nakaakbay pa kaya kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ito rin ang napansin sa larawang ipinost ni Heart na si Vincent naman ang nakayakap kay Bea na hinawakan ng aktres na hindi lang gaanong napansin dahil natakpan ng isa nilang kaibigan.
View this post on Instagram
Kung dati ay pahulaan pa ang netizens sa real score nina Bea at Vincent ngayon ay hindi na dahil kitang-kita na sa dalawang larawang ipinost nina Heart at Nina.
Iisa na lang ang tanong ng madlang pipol, kailan aamin sina Bea at Vincent na opisyal na silang magkarelasyon?
“Kailangan pa ba? Hindi pa ba sapat ang pictures?” say ng taong malapit sa dalawa.
Hihintayin na lang namin ang kanilang engagement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.