Pagkamatay ng baby sa Jeju Air flight mula Clark patuloy na iniimbestigahan

Pagkamatay ng baby sa Jeju Air flight mula Clark patuloy na iniimbestigahan

Stock photo

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng mga otoridad sa South Korea ang pagkamatay ng isang baby habang nasa loob ng eroplano.

Isinilang nang wala sa oras o ang tinatawag na premature, ang naturang sanggol sa isang Jeju Air flight na nagmula sa Clark, Pampanga patungong Incheon, South Korea.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat na ang ina ng namatay na sanggol ay isang Filipina na nasa edad 30. Kasama umano nito g bumiyahe ang asawa, biyenan, at anak na babae.

Base sa report ng Yonhap News Agency at Korea JoongAng Daily, isinilang ang sanggol na lalaki habang nasa biyahe nitong nagdaang Linggo ng umaga, pero hindi na raw ito humihinga paglabas.

Nagdesisyon ang pilot at staff ng Jeju Air na mag-emergency landing para maisugod sa ospital ang baby ngunit ang idineklara na itong dead on arrival.

Sinabi ng pulisya sa Korea, may karapatan silang mag-imbestiga sa insidente dahil nasa hurisdiksyon nila ang kaso.

Ito’y nangyari raw kasi sa loob ng eroplano na rehistrado at may bandera ng South Korea.

Habang isinusulat ang balitang ito ay  patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng sanggol sa loob ng eroplano.

Read more...