Babaeng inakalang patay biglang bangon, lasing lang pala
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang isang babaeng inakalang patay matapd itong makitang nakadapa at walang malay sa gilid ng creek.
Sa larawan na ibinandera niya Ma. Agnes Cajefe sa Facebook, makikitang tila wala nang buhay ang taong nakita at mapapansin na nilalanggam at nilalangaw ito.
Natagpuan ang babaeng inakalang patay ng mga residente noong Lunes ng umaga, June 2.
Baka Bet Mo: Babae sa Makati drainage bugbog na sa meme, tigilan na – DSWD chief
View this post on Instagram
“isang Babae ang naka handusày sa isang creek kaninang umaga around 5;00am JUNE 2 2025.
“Takot na takot diumano ang nakakita sa kanya dahil ito ay nakadapa at nilalanggam at nilalangaw pa.natakot dw itong hawakan kaya tumawag ito ng rescue,” saad sa caption ng post.
Ngunit ang inakalang babaeng patay ay bila na lang humangon.
“Nagulat umano sila dahil bigla umanu itong tumayo at naka ngisí . hindi pala ito p@tay kundi lasíng lang,” sey pa ng nag-post.
Sa huli ay nagpaalala pa ang nag-post na mag-iwan ng pang-uwi at iwasan ang paglalasing.
“kaya dapat kung mag inum man tayo ay dapat mag tira tayo ng pang uwe natin para naman walang mangyareng masama satin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.