Dapat bang branded na gamot lang ang ireseta ng mga doktor?

CIA with BA: Dapat bang branded na gamot lang ang ireseta ng mga doktor?

Ervin Santiago - June 05, 2025 - 09:35 AM

CIA with BA: Dapat bang branded na gamot lang ang ireseta ng doktor?

Alan Peter Cayetano at Boy Abunda

NAG-ALALA ang isang viewer nang umuwi ang kanyang ina mula sa check-up na may reseta ng mamahaling branded na gamot.

Alam niyang hirap silang bumili kaya sinabihan niyang itanong sa doktor kung puwedeng generic na lang ang ilagay sa reseta — pero ang sagot na natanggap ay ikinagulat niya.

Sa segment na “Tanong ng Pilipino” ng “CIA with BA“, ibinahagi ni Bianca ang kanyang concern tungkol sa reseta ng branded medicines para sa kanyang nanay.

Dahil alam niyang mahal ang branded na gamot, pinayuhan niya ang nanay na itanong kung puwedeng generic na lamang ang isulat.

“Alam kong mahal ‘yung branded na gamot kaya sinabihan ko siyang itanong kung pwede bang generic na lamang ang ilagay sa reseta,” dagdag pa niya.

Pero ayon kay Bianca, iginiit ng doktor na branded lamang ang nirereseta nila. Kaya naitanong niya, “Tama po ba ito? Paano naman po ‘yung mga walang pambili tulad ng nanay ko?”

Ipinaliwanag ni Atty. Matt Cesa, isa sa mga legal expert ng programa, na hindi dapat limitado lang sa branded ang prescription ng mga doktor.

“To answer your question, no. Hindi naman dapat na wala silang choice,” ani Cesa.

“Actually, under the Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act, required ‘yung mga doctor na kapag nagpre-prescribe [ng mga gamot] na isulat ‘yung generic na pangalan ng gamot,” esplika pa ni Cesa.

Pinaliwanag din niya na parehong epektibo ang branded at generic medicines dahil dumadaan sila sa parehong pagsusuri para matiyak ang kalidad at bisa.

“Ang pinagmulan naman kasi nito, whether generic ka or branded, same lang naman na epektibo ‘yung gamot dahil dumadaan naman ito sa tests na nag-eensure na quality siya at pasok siya,” dagdag niya.

“Hindi dapat na branded lang. Dapat ilagay ‘yung generic name. Optional lang kung gusto ng doktor ‘yung brand na gusto niya,” giit ni Cesa.

Pinangungunahan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Boy Abunda, ipinagpapatuloy ng “CIA with BA” ang adbokasiya ng yumaong Sen. Rene Cayetano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang programa tuwing Linggo ng gabi, 11 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending