Rampa level-up sa mas bonggang lokasyon; Drag Queens pasabog

MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal na paglipat nito sa mas malaki at mas bonggang location sa gitna ng Tomas Morato, Quezon City.
Mula nang mag-grand opening ito noong unang quarter ng 2024, walang tigil ang Rampa sa commitment nito na bigyan ang community ng isang safe at open space para sa self-expression.
Sa pagsasanib-puwersa ng mga Philippine LGBTQ+ icons at allies gaya nina RS Francisco, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Boy Abunda, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Vinas Deluxe, walang tigil ang Rampa sa pagbibigay sunod-sunod na party para sa komunidad.
Hatid pa rin nito ang mensahe ng pagkakaisa at selebrasyon ng creative freedom kung saan ang pabolosang mundo ng drag ang nagbubuklod sa over-the-top fun ng venue.
Ngayon, with much hard work and dedication, kilala na ang Rampa bilang tahanan ng mga bagong sibol na drag artists na kilala bilang Rampa Reynas, kasama ang kanilang homegrown dancers, ang Rampa Movers.
Ang nakaka-inspire na talento ng mga artists ng Rampa ay umani ng papuri di lamang ng kumunidad at ng Philippine press ngunit pati na rin ng international news organizations.
Kabilang na riyan ang The New York Times at pati ng mga international celebrities gaya ni Lady Gaga na napansin ang performance ni Precious Paula Nicole ng kanyang smash hit dance single na “Abracadabra.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.