Anne Curtis nilaro ng netizens, 3-day streak attendance nasira
PINAGTRIPAN na naman ng madlang pipol ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.
Maging ang kanyang naturang programa ay bunot siya matapos nitong magpa-“survey” kung muli ba siyang papasok ngayong Huwebes, June 5, sa noontime program.
“LOOK: Based on a Showtime Research survey conducted on June 4, 2025, Anne Curtis (@annecurtissmith) earns high attendance trust ratings — many Filipinos believe she will show up for work tomorrow on #ItsShowtime,” sabi sa Facebook page ng Showtime noong June 4.
Kaya naman kaabang-abang ang naging episode ng June 5 kung papasok nga ba si Anne o muli itong a-absent matapos ang tatlong araw na sunud-sunod na pagpasok nito.
Baka Bet Mo: Anne Curtis biktima ng ‘deepfake’, babala ng Viva: Be vigilant on online scams!
View this post on Instagram
Ngunit walang Anne na pumasok sa episode ngayong Huwebes at tuluyang na ngang na-break ang kanyang 3-day streak.
Kinailangang lumiban muli ng TV host-actress sa “It’s Showtime” dahil kinakailangan nitong gampanan ang kanyang pagiging ina.
“Good morning! Maraming salamat sa survey. Moving up day ng aking mahal na Dahlia, so I will not be on Showtime today BUT I shall see you on Showtime tomorrow Madlang Peeps!” pagpapaliwanag ni Anne.
Matatandaang naging parte na ng biruan ng mga “It’s Showtime” hosts ang palaging pagliban ng kanilang kasamahan dahil sa pagiging mommy nito at iba’t-ibang mga trabaho gaya ng endorsements at mga teleserye.
Kaya naman madalas nilang i-celebrate o pagtripan si Anne sa tuwing magbabalik ito bilang kanilang love language.
Paniguradong bardagulan na naman bukas ang “It’s Showtime” at trending topic ang kanyang naging pag-absent ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.