Anne Curtis shookt, naalarma sa kundisyon ng Sierra Madre: Is this real?!

Anne Curtis at ang itsura ngayon ng Sierra Madre
NAALARMA ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis nang makita ang itsura at kundisyon ngayon ng Sierra Madre na matatagpuan sa Dinapigue, Isabela.
Isa lamang si Anne sa mga celebrities na na-shock nang makita ang mga litrato ng Sierra Madre sa social media kung saan kitang-kita mula sa aerial shots ang pagkakalbo nito.
Ni-repost ni Anne sa kanyang X account ang isang social media post kung saan ipinakita nga ang kalagayan ngayon ng naturang bulubundukin. Sinasabing nagsisilbing proteksyon ang Sierra Madre laban sa malalakas na bagyo sa Pilipinas.
“ANONG PINAG GAGAWA NIYO SA #SIERRAMADRE?!
“Money will kill us all! Talagang pinayagan sila ng Mayor ng Dinapigue, Isabela to do a 25 year contract Mining Operation? Para saan?”
“Hindi ba nila alam na Sierra Madre protects us from typhoons? Ano ba mas importante sa Isabela? Ang Pera sa bulsa nila or ang buhay ng mga kababayan natin kapag tinatamaan ang Luzon ng bagyo? #Déforestation,” ang mababasa sa post ng isang concerned netizen.
Ni-retweet nga ito ni Anne kalakip ang caption na, “Good morning! Is this real can anyone confirm this? This quite concerning.
“I remember people saying #SierraMadre played a huge role in breaking typhoons strength before it hit the cities. I truly hope this isn’t real!!!!” saad pa ng aktres.
View this post on Instagram
May ilang X users ang nagsabi kay Anne na totoo ang mga nakita niyang mga picture at marami nang balitang lumabas sa legit na news organization tungkol dito.
Nauna nang nag-react ang aktor na si Jake Ejercito tungkol dito. Post niya sa kanyang socmed account, “The Sierra Madre shields us from typhoons and we return the favor by cutting down its forests for profit.”
Unang nakita sa Google Maps ang aerial view ng Sierra Madre na nakararanas daw ngayon ng deforestation. Makikita rito ang clearing sa kagubatan ng Dinapigue.
Base sa ulat, konektado umano ito sa operasyon ng Dinapigue Mining Corporation, isang mining company na may 25-year mining contract sa naturang probinsya.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at oaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.