
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos
IWASAN ang pagiging mapagmataas, sa halip ay maging mapagkumbaba.
Ito ang hiniling ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong ginugunita ng mga kapatid nating mga Muslim ang Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).
Sa mensahe ng presidente, pinuri niya ang malalim na pananampalataya ng nasabing relihiyon at kasabay nito ay binanggit niya ang tungkol sa pagpapakumbaba sa lahat ng oras.
“This sacred day calls us to remember that devotion reveals itself when we are asked to release what we once believed we could never give,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Baka Bet Mo: PBBM idineklarang ‘Tandang Sora Day’ ang Jan. 6, QC lubos ang pasasalamat
Magugunitang idineklara ang araw na ito, June 6, bilang regular holiday sa bansa.
Para sa kaalaman ng marami, Ang Eidul Adha ay isa sa pinakamahalagang kapistahan ng mga Muslim na inaalala ang pagsakripisyo sa anak ni Abraham bilang tanda ng pagsunod sa Diyos.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-10 araw ng Zhul Hijja, ang huling buwan sa Islamic calendar.