PBBM hindi sasawsaw sa debate sa impeachment case ni VP Sara

Sara Duterte at Bongbong Marcos
HINDI na dadagdag pa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga debate ukol sa impeachment case ni Vice Presidente Sara Duterte.
“Unang-una po sinabi naman po ng Pangulo na ito po ay nasa kamay na po ng Senado at hindi po makikialam ang Pangulo kung ano man po ang nangyayaring pagdedebate sa Senado, may kanya-kanya pong ideya dito,” sabi ni Palace Press Officer Claire Castro.
Batid ng Malakanyang na ang isa sa mainit na pinagdedebatehan ay kung maaaring ituloy sa 20th Congress ang hakbang para mapatalsik sa puwesto si Duterte.
Aniya ipinauubaya na ni Marcos Jr., ang lahat sa Senado at ang nais lamang ng Punong Ehekutibo ay masunod ang proseso.
Ilang ulit na rin sinabi ni Marcos Jr., na kontra siya sa impeachment complaint laban kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.