Katrina Velarde pinatanggal implant sa ilong, nagkakumplikasyon

Katrina Velarde pinatanggal silicone implant sa ilong, nagkakumplikasyon

Ervin Santiago - June 08, 2025 - 02:35 PM

Katrina Velarde pinatanggal silicone implant sa ilong, nagkakumplikasyon

NAGKAROON ng kumplikasyon ang pagpaparetoke ng ilong ng biriterang singer na si Katrina Velarde kaya kinailangan niyang sumailalim sa surgery.

Ipinatanggal na ni Kat ang nose implant na ipinalagay niya four years ago “due to complications” na ngayon lang daw nag-manifest.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload niya sa Facebook, ipinaliwanag nga ni Katrina ang nangyari sa ipinaretokeng ilong na siyang dahilan kung bakit kinailangan nilang ikansela ang mga natanguang commitments.

Kabilang na riyan ang dapat sana’y guest performance niya sa concert ng grupong 98 Degrees dito sa Pilipinas nitong nagdaang linggo.

Baka Bet Mo: Katrina Velarde, Jessica Villarubin proud retoke queen: Obvious naman, di ba?

“After kong mag-post about sa hindi ako makaka-attend sa 98 Degrees (concert) and I had to cancel some commitments na dapat kakantahan ko, it’s because I needed to have my nose implant removed as soon as possible, and it takes a while para mag-recover,” simulang paliwanag ng singer.

Pagpapatuloy pa niya, “So nagkaroon ako ng complications four years after malagay ‘yung silicone implant sa ilong ko.

 “Alam niyo naman din na very open ako sa mga ginagawa ko, sa pagiging robot ko or pagiging android ko,” ang pagpapakatotoong pahayag ni Kat.

Inamin din ni Katrina na hindi ito ang unang pagkakataon na sumailalim siya sa nose implant removal procedure.

“At first, I had Gore-Tex (implant). Ni-reject din siya ng katawan ko right ahead, and then I had it removed also. Tapos itong pangalawa, ito na ‘yung ngayon, at nagkaroon na naman ako ng complication,” aniya.

Kasunod nito, nagpasalamat si Kat sa lahat ng kanyang supporters na nagpahayag ng pag-aalala sa kanya.

“Thank you sa mga nag-reach out sa akin. Sa mga nag-worry, okay lang ako, mga bes,” sey ni Kat.

Kuwento pa niya, “I actually went to the concert of 98 Degrees on their second night.

“They were very nice and then we talked about the collab that we did for ‘I Do Cherish You’. And it was so nice. It was very quick kasi nung dumating ako medyo patapos na yung concert,” dagdag pang chika ni Katrina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda kay Katrina last year, nabanggit nito na sumailalim siya sa chin and lip fillers, non-surgical eyelid enhancement, and rhinoplasty.

“Actually, parang important din po kasi nowadays ‘yung physical appearance and I think I’m more confident po na nagpagawa ako,” sabi ni Katrina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending