Euleen nanindigan sa food review: Hindi po talaga ako nasarapan

Euleen Castro nanindigan sa food review: Hindi po talaga ako nasarapan

Ervin Santiago - June 09, 2025 - 08:28 AM

Euleen Castro nanindigan sa food review: Hindi po talaga ako nasarapan

Euleen Castro

FINALLY, nagsalita na ang tinaguriang  Pambansang Yobab na si Euleen Castro sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon dahil sa ginawang food review sa isang café sa Iloilo.

Kaliwa’t kanang batikos ang tinanggap ng content creator mula sa publiko  matapos mag-viral ang kanyang video kung saan  sinabi niyang hindi masarap ang lahat ng drinks at lafang sa naturang coffee shop.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, nagpaliwanag si Euleen hinggil sa pangyayari. Nagkuwento rin siya kung paano sila napunta sa coffee shop at kung bakit hindi pumasa sa panlasa niya ang mga kape at pagkain doon.

Sabi ng vlogger, after nilang manood ng sine ay naghanap nga sila ng isang café sa Iloiolo hanggang sa magdesisyon na nga silang pasukin ang nasabing coffee shop.

Talagang inorder daw nila ang halos lahat ng nasa menu para matikman ang mga ito. Sey ni Euleen, “Honestly, hindi po talaga ako nasarapan, and opinyon ko naman po ‘yon.”

Ngunit ipinagdiinan ng vlogger na wala naman siyang sinabi sa publiko na huwag nang pumunta o huwag nang tangkilikin ang nasabing café.

Euleen Castro nanindigan sa food review: Hindi po talaga ako nasarapan
“Hindi ko sinabing huwag puntahan, hindi ko sinabing magsara kayo,” ang punto pa ni Euleen.

Sa pagmumura naman daw niya na isa sa mas nagpagalit pa sa ginawa niyang food review, nilinaw ni Euleen na hindi naman daw niya minura ang pagkaing inorder nila, pati ang coffee shop at staff ng café

“About doon sa pagmumura, main issue n’yo is nagmura ako doon sa pagkain, hindi ko po minura ‘yung pagkain, ‘yung staff, ‘yung cafe, wala akong minura. Expression ko lang po talaga ‘yun,” katwiran ng vlogger.

Aniya pa, “Akala ko po kasi lahat nage-gets na ‘yong humor ko, lahat ng followers ko. Doon ako medyo nag-lean sa gets naman ako ng supporters ko.”

Wala raw siyang intensiyon na sirain o ipasara ang coffee shop, nagpakatotoo lang daw siya sa kanyang review tungkol sa mga kinain at ininom.

Sa huli ay sinabi ni Pambansang Yobab na isang wake-up call din daw para sa kanya ang nangyari at ganu’n na raw pala kalawak ang reach niya as social media personality.

This time raw ay talagang mag-iingat na siya sa mga susunod niyang content.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabay nito ay humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng mga na-offend, nagalit  at naapektuhan sa kanyang food review, lalo na raw sa staff at may-ari ng café.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending