Vlogger na namatay sa buto ng manok inilibing na: Hustisya!

Vlogger na namatay sa buto ng manok inilibing na, sigaw ng pamilya: Hustisya!

Ervin Santiago - June 11, 2025 - 12:35 AM

Vlogger na namatay sa buto ng manok inilibing na, sigaw ng pamilya: Hustisya!

Rogelio Adriano

INILIBING na ang vlogger na namatay matapos kumasa sa challenge ng isa niyang follower na kumain ng manok kasama ang lahat ng buto nito.

Ang content creator ay mula sa Leyte na pumanaw nang dahil sa kumplikasyon sa pagmukbang niya ng mga buto ng chicken kapalit ng P20,000 reward na ibibigay daw ng nag-challenge sa kanya.

Sa mismong Facebook account ng namayapang mukbanger na si Rogelio Adriano ay napanood nang live ang paghahatid sa kanya sa sementeryo kung saan siya ililibing.

Makikita sa video ang ilang lalaki na nagtulung-tulong sa pagbubuhat sa kabaong ni Rogelio palabas ng kanilang bahay hanggang sa mailagay sa karo, na siyang naghatid sa kanyang labi sa sementeryo.

Matatandaan na kumasa ang vlogger sa challenge ng isa niyang subscriber sa YouTube na bibigyan siya ng P20,000 kung mauubos niya ang buong manok pati ang mga buto nito.

Sa kanyang vlog napanood nga ang pagkain niya ng manok na ipinost din niya sa kanyang Facebook page pero  after ilang araw ay isinugod siya sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan.

Ayon sa doktor na tumingin sa vlogger, nagkaroon siya ng internal injury sa abdomen dahil sa mga kinaing buto na siyang nag-block sa kanyang intestine. Ito ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Pero ayon sa mga kakilala ni Rogelio, after nitong gawin ang challenge ay  bigla na lang naglahong parang bula ang follower niya na nag-challenge ng mukbang.

Bigla na lang daw itong nag-deactivate ng social media account kaya hindi na makapag-message ang mga kaibigang content creator ng biktima.

Kaya naman nanawagan ang pamilya ni Rogelio na sana’y matunton ang follower at pananagutin ito sa pagkamatay ng mukbanger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending