Maine Mendoza, Arjo Atayde magtatambal nga ba sa pelikula?

Sylvia Sanchez, Art Atayde, Arjo Atayde at Maine Mendoza
MARAMING nagtatanong kung totoo nga bang may gagawing protect together ang celebrity couple na sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza.
In fairness, may mga tagasuporta nga ang mag-asawa na umaasang muli silang magkakasama sa isang teleserye man o pelikula, lalo na ngayong super active na sa pagpo-produce ang Nathan Studios ng pamilya Atayde.
Napanood ang mag-asawa sa pelikukang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kasama si Vic Sotto na ipinalabas noong 2019.
Kaya naman nang makachikahan ng BANDERA ang nanay ni Cong. Arjo na si Sylvia Sanchez na siyang busy ngayon sa pagpapatakbo ng Nathan Studios, ay naitanong namin kung may movie nga bang gagawin ang ArMaine.
“Alam ko, wala. Ang pinitch sa akin ni Sigrid (Andrea Bernardo, direktor), hindi “I’m Perfect.”
“Ang in-offer sa akin ni Sigrid, isang movie ko at ni Angel Aquino na pagsasamahan namin.
“Kaso nga, yun yung Silhig na may short film sa Cannes na ipinalabas, kami ni Angel, about lesbianism.
View this post on Instagram
“Ang pangalawang in-offer sa akin yung Arjo-Maine. Sabi ko, ‘Naku, huwag mo nang i-pitch sa akin, ayaw pa nu’ng dalawang magsama.’
“Kahit i-pitch mo sa akin, kung ayaw ng dalawa, wala. So, ipinakita lang din niya sa akin,” pahayag ng award-winning Kapamilya actress at producer na nga ngayon.
Ibinalita rin ni Ibyang na nagsimula na rin ang shooting nila para sa pelikulang “I’m Perfect” mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.
Kasama rin sa movie sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, at Joey Marquez na planong ilaban sa 2025 Metro Manila Film Festival sa December.
May mga tinanggihan din daw siyang mga serye at pelikula dahil nais muna niyang mag-focus sa Nathan Studios lalo na ngayong inspired siya sa pagpo-produce ng mga ilalaban nila sa international film festival.
Mas na-inspire raw siya ngayon bilang producer pagkatapos ng napakagandang experience niya sa 2025 Cannes Film Festival, kung saan napasali sa main competition ang ipinrodyus ng Nathan Studios na “Renoir.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.