Bianca Umali nagpaalam kay Nora: 'Hanggang sa muli po, Nanay'

Bianca Umali nagpaalam kay Nora Aunor: ‘Hanggang sa muli po, Nanay’

Ervin Santiago - April 20, 2025 - 01:16 PM

Bianca Umali nagpaalam kay Nora Aunor: 'Hanggang sa muli po, Nanay'

Bianca Umali at Bianca Umali

NAGLULUKSA rin ngayon ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa pagkamatay ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Nagbahagi ng mensahe ng pamamaalam ang “Sang’gre” actress para sa kanyang idolo na nakasama niya sa pelikulang “Mananambal” na ipinalabas kamakailan sa mga sinehan.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinahagi ni Bianca sa publiko kung gaano siya ka-thankful na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang National Artist for Film and Broadcast Arts bago ito mamaalam.

“Habambuhay ko ipagmamalaki ang karangalan at biyaya ng pagkakataong makatrabaho ang nag-iisang Nora Aunor,” ang simulang bahagi ng open letter ni Bianca para kay Ate Guy.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Hindi po ako titigil na idolohin ka para sa pagmamahal, dedikasyon at husay na ipinamalas mo sa industriya ng pelikulang Pilipino.

“Hanggang sa muli po, nanay… Paalam.”

Nais din daw ni Bianca na dumating ang panahon na maging inspirasyon din siya sa ibang artista tulad ng nagagawa ni Nora sa mga kapwa nila aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“No matter how cruel this world is you hold on to what you love doing and you do it to inspire people and to be kinder to the people around you,” aniya.

Sa panayam ng media kay Bianca, isa raw sa natutunan ni Bianca kay Ate Guy ang ibigay ang buong tiwala sa kanyang mga co-actors para mas maging natural at makatotohanan ang bawat eksenang ginagawa nila.

“The level of kung paano po siya magtiwala sa mga katrabaho niya, regardless kung ano po ang posisyon.

“Isa po kasi yun sa mga learnings ko as one of the new generation of actors dito po sa industriya, kung gaano po kahalaga ang healthy and collaborative working environment and isa po yun sa nakita ko kay Ate Guy,” ani Bianca.

Ang pelikulang “Mananambal” ay nakatanggap ng international recognition matapos itong ipalabas sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan noong May, 2024. Iginawad ng festival ang Best Dramatic Actress award kay Umali para sa kanyang pagganap bilang Alma.

“This means the world to me,” sey ng aktres sa kanyang acceptance speech. “This award acknowledges all of the hard work and dedication that I have poured into my craft and in this project.”

Inialay din ng dalaga ang kanyang parangal kay Ate Guy, “Karangalan ko po na makatrabaho kayo and I hope that you are here with me, maraming, maraming salamat po.”

Pumanaw si Nora Aunor nitong nagdaang Miyerkules Santo, April 16, sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakaburol ang kanyang labi sa Heritage Park sa Taguig City at nakatakdang ihatid sa huling hantungan sa darating na Martes, April 22, sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending