Bianca napaiyak nang regaluhan ni Kuya ang namayapang ina

Bianca Umali napaiyak nang regaluhan ni Big Brother para sa namayapang ina

Ervin Santiago - June 01, 2025 - 07:14 AM

Bianca Umali napaiyak nang regaluhan ni Big Brother para sa namayapang ina

Bianca Umali

NASORPRESA ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa regalong ibinigay sa kanya ni Big Brother nang maging house guest siya sa “PBB Celebrity Collab Edition.”

Bago siya tuluyang lumabas ng Bahay ni Kuya ay nakatanggap nga siya ng munting alaala para sa namayapa niyang inang si Mommy May.

Sa naturang episode, pumasok si Bianca sa confession room bago bumalik sa outside world. Doon ay pinasalamatan siya ni Kuya sa pagpayag niyang dumalaw sa “PBB”.

Super thankful din si Bianca kay Big Brother dahil sa pambihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya na itinuturing din niyang dream come true para sa kanyang nanay.

“Baon ko po itong kuwento na ito para sa lola ko, para sa magiging mga anak ko, half of my heart want to stay and half of my heart says I have to leave.

“Sana po nakapag-iwan po ako ng magandang memories sa loob po ng inyong bubong at sa puso po ng inyong mga housemate,” pahayag ng Kapuso actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Habang nasa loob ng confession room ay inilabas uli ng dalaga ang picture ng nanay niya na una na niyang ipinakita nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya.

Matatandaang nabanggit ni Bianca na agad-agad niyang tinanggap ang offer na maging guest housemate para sa kanyang nanay na talagang nanonood daw noon ng “PBB”.

“Maraming salamat din daw po kuya, natupad niyo ang pangarap niya. Baon ko po ito hanggang sa tumanda po ako kuya,” sey ni Bianca.

At bago nga tuluyang magpaalam sa “PBB”, ibinigay ni Kuya kay Bianca ang regalo para sa kanyang nanay na nasa  maliit na kahon.

Nang makita ang laman ng box ay biglang naiyak ang aktres – ito ay ang name plate na ibinibigay sa mga housemate na may name ng inang si May.

“Kuya salamat po. Sigurado po sumasayaw po siya ngayon sa theme song na ‘Pinoy Ako’ doon po sa langit.

“Mommy, may name plate ka na, housemate ka,” ang umiiyak na pahayag ni Bianca.

In fairness, bumilib ang mga manonood at mga netizens kay Bianca dahil sa mga naging contribution niya sa “PBB” kahit sa maikling panahon lamang. At nagawa rin niya nang bonggang-bongga ang ipinagawang challenges sa kanya.

Inilarawan din ni Bianca bilang “magical”   ang pananatili niya sa Bahay ni Kuya, “Hindi ko akalain na magiging gano’n kaganda ‘yung pinagdaanan ko doon, ‘yung adventure ko doon. And I was so happy all the more na I was able to do it for my mom.

“Marami pa kayong mapapanood. Ayoko i-spoil because the netizens will see it pero ito sa dream come true, not just for myself, but for my mom,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko kay Kuya, ‘Kuya, kung kailangan mo pa ng tagalinis ulit, tawagan mo lang ako. I will be at your doorstep,'” sabi pa ni Bianca na muling mapapanood sa primetime sa pamamagitan ng “Sang’gre” simula sa June 16.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending