Nora Aunor marami ring karanasan sa mga walang respeto, maarteng artista

Nora Aunor
KUNG may isang artistang talagang masasabing malapit na malapit sa yumaong Superstar na si Nora Aunor, yan ay walang iba kundi ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Mula noon hanggang sa mamaalam ang National Artist for Film and Broadcast Arts ay napanatili nina Ate Guy at Marya ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga pang-iintriga noon sa kanila.
Ilang beses ding nagkatrabaho ang dalawang showbiz icon kaya naman talagang naging bahagi na rin ng personal na buhay nila ang isa’t isa.
Kuwento ng anak-anakan ni Ate Guy na si Rodel Fernando, habang nagchichikahan kami sa last night ng burol ng pumanaw na Superstar, mahal na mahal at sobrang nirerespeto ni Maricel si Nora.
Kahit daw hindi madalas na nagkikita nitong mga nagdaang taon, napanatili pa rin nila ang maayos at malalim nilang pagkakaibigan.
Sa oras daw ng pangangailangan at kapag may mga pinagdaraanan silang problema, ay nagtutulungan talaga ang dalawang reyna.
In fact, ang palagi raw habilin ni Marya kay Rodel noong nabubuhay pa ang Superstar at huwag na huwag pababayaan at iiwan ang kanyang “Mama” (tawag ni Marya kay Ate Guy).
View this post on Instagram
Samantala, may nakapagkuwento naman sa amin na may mga naging karanasan din noon si Nora tungkol sa mga artistang pasaway.
Tulad ng ilang veteran stars, naka-encounter din si Ate Guy ng mga artistang walang respeto, maaarte at demanding na akala mo’y kung sinong mga sikat.
Pero in fairness daw kay Nora, never itong nagreklamo o nagsumbong sa production. Iniintindi na lamang daw niya ang mga ito para wala na lang gulo at isyu.
Nabanggit din ng aming kausap, na sa pagkakaalam niya, si Ate Guy ay never nag-demand ng kung anu-ano sa bawat proyektong ginagawa niya kaya naman marami pa rin ang gustong makatrabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.