Janice never sasabak sa politika dahil suplada, Gelli ayaw din: Not qualified
Eleksyon 2025 - May 14, 2025 - 10:00 AM

Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Janice de Belen at Candy Pangilinan
NEVER, as in never daw sasabak sa mundo ng politika ang magkakaibigang Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice De Belen.
May kanya-kanyang dahilan ang apat na aktres at host kung bakit nagsasalita na sila nang tapos sa gitna ng isyu ng pagtakbo ng mga artista sa katatapos lamang na 2025 midterm elections.
Sa kanilang podcast na “Wala Pa Kaming Title”, isa-isang nagbahagi ng kanilang mga dahilan kung bakit hindi sila tatakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
Pag-amin ni Candy, may mga nag-alok na raw sa kanya na pasukin din ang politika pero aniya, “Ayoko talaga. Ang dami nang lumapit sa akin.”
“Ang dami ko nang ginagawa, ayoko nang dagdagan. Number two, hindi ko alam kung kaya ko ‘yung accountability kung nandoon ako,” esplika ng aktres at magaling na komedyana.
Feeling naman ni Gelli, hindi siya karapat-dapat na maging isang public servant, “I am not qualified so I will not.”
View this post on Instagram
Paglilinaw pa ni Gelli, “I may be concerned, may malasakit ako, pero hindi ako qualified. Hindi ko alam kung paano ko paganahin o implement ang lahat ng concern na mayroon ako. E ‘di useless din.”
Naniniwala naman si Carmina na mukhang hindi niya kakayanin ang maging public servant dahil isa raw siyang “worrier”.
“Ayoko kasi unang una worrier ako hindi ba? Hindi ko kakayanin kasi poproblemahin ko lahat ng problema ng tao. Hindi ko kayang i-set aside kapag pauwi na ako ng bahay,” lahad ni Carmina.
Dugtong pa ng Kapuso star, “Pangalawa, maawain ako. It’s not a bad thing, pero baka maubos ‘yung pera ko sa kakatulong.”
Diretsahan naman ang naging sagot ni Janice, “Never ko naisip ‘yun. Unang-una suplada ako, hindi ako pwede diyan. Tsaka hindi ko talaga feel, eh.”
“Hindi ako educated enough for that. Ayokong humarap du’n na para akong tanga. Paano kapag hindi na kaya ng brain ko? Paano kung makakalimutan ko ang lahat ng ‘yan?” katwiran pa ni Janice.
Hirit naman ni Gelli, “Ayun! Ako rin, baka makalimutan ko rin lahat ng ‘yan!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.