David bilib na bilib sa pagiging parapsychologist ng lolong si Jaime Licauco

David Licauco at Jaime Licauco
BAGO pumanaw ang kanyang lolong si Jaime Licauco, talagang naglalaan ng panahon ang Kapuso star na si David Licauco para mabisita at maka-bonding ito.
Napakaraming magaganda at inspiring na kuwento ng Pambansang Ginoo tungkol sa kanyang lolo na isang kilalang writer, professor at columnist.
Pumanaw si Jaime Licauco noong May 15, sa edad na 84.
Isa raw sa talagang tumatak sa kanya kahit noong bata pa siya ay ang pagiging parapsychologist ng pinakamamahal na lolo, partikular na ang ginawa nitong pagbaluktot sa isang tinidor sa pamamagitan lamangng isip.
Inalala ni David ang mga bonding moments nila ng namayapang author, kabilang na ang palagi niyang pagbisita sa bahay nito noong mga huling sandali ng pananatili nito sa mundo.
“Nag-uusap kami, he’s very smart, he knows a lot about life kaya the past couple of months talagang I would make sure to really spend time with him,” pahayag ni David sa panayam ng “24 Oras” sa burol ng kanyang lolo.
Isa nga sa mga hindi niya malilimutan noong buhay pa si Jaime Licauco ay ang kung paano nito binaluktot ang tinidor gamit lang umano ang isip.
“Hawak niya ‘yung fork tapos nakatingin lang siya dun and super nag-i-internalize siya, basically parang gusto niya sa ‘kin ipakita ‘yung power of the mind.
“And then ‘yun, nag-bend ‘yung fork, ‘di ba, as a kid, sobrang wow, amazing ‘yun. Kahit until now sinasabi ko sa kaniya minsan, lolo pakita mo naman sa ‘kin,” saad ni David.
Isa pa sa mga natutunan ng Kapuso heartthrob sa kanyang lolo ay ang pag-manifest sa mga pangarap sa buhay para matupad ang mga ito.
“And kapag passionate ka du’n sa ginagawa mo na ‘yun, talagang ma-a-achieve mo ‘yun. Malayo ‘yung mararating mo so ‘yun, he’s just an inspiration to me,” aniya.
Sa pagpanaw daw ni Jaime Licauco ang isa sa mga realization niya ay, “Itong life na binigay sa ‘tin, hindi siya forever, alam naman natin ‘yun.
“I think it’s better to be nice to everybody, stop the hate, and really just choose peace over chasing validation and instant gratification, ‘di ba? Live happily and tell your loved ones you love them,” saad ni David.
Bilang author, nakapagsulat si Jaime Licauco ng 17 libro at mga artikulo na tumatalakay sa paranormal, mysticism, inner mind development, creative and intuitive management.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.