Bianca, Faith, Angel, Kelvin ang angas; PBB Carnival naka-P1M

Bianca, Faith, Angel, Kelvin ang aangas; PBB Big Carnival nakalikom ng P1-M

Ervin Santiago - May 22, 2025 - 12:30 AM
Bianca, Faith, Angel, Kelvin ang aangas; PBB Big Carnival nakalikom ng P1-M

NGAYON pa lang ay atat na atat na ang mga Kapuso viewers na mapanood ang upcoming fantasy-adventure series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

Sa nalalapit ngang pagsisimula nito sa GMA Prime ay sunud-sunod nang ipinakita ang character teasers ng mga bagong Sang’gre sa latest edition ng iconic series na “Encantadia.”

Inilabas na ang mga nakakabiting patikim na teaser ng mg gagampanang karakter nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian, pati na rin ang role ni Rhian Ramos.

Marami ang bumilib at talaga namang pinag-uusapan ang mga karakter ng mga nabanggit na Kapuso stars.

Sey ng isang netizens, “Napahanga ako sa line ni bianca na ‘para sa Encantadia.’ Ang strong and powerful nya sinabi na yon. Masasabi ko na na bagay talaga sa kanya yung role.

“I can’t wait na mapanood ang bagong encantadia. Super angas ng special effects and graphics. Kudos Encantadia Chronicles: Sang’gre. Super galing nyo.”

Komento pa ng ilang nakapanood, ang aangas at ang aastig daw ng mga bagong Sang’gre kaya talagang aabangan daw nila ito sa GMA.

Samantala, kanya-kanyang bida rin ang fans nina Faith, Kelvin at Angel sa kanilang mga teaser.

Kasabay rin nito ang pagpapakilalang muli kay Rhian Ramos bilang Mitena. Komento ng isang Kapuso, “Mukhang may bago na namang magpapa highblood sa akin.”

Abangan ang “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ngayong Hunyo sa GMA Prime!

* * *

Nagtagumpay ang “PBB Celebrity Collab Edition” housemates sa kanilang Big Carnival Concert nitong nakaraang weekend, kasabay nito ang pagkakalikom ng 1 milliom para sa kanilang charity event.

Very touching din ang panonood ng mga nanay ng mga celebrity housemate na sina Klarisse, AZ, Vince, at Mika sa kanilang inihandang show.

Nagsimula na ring muli ang weekly task na ibinigay sa male housemates ni kuya. Konektado ito sa muling pagpasok ng wild card housemates na sina Ralph De Leon at Charlie Fleming.

Kinakailangan silang maitago ng male housemates sa loob ng isang linggo mula sa female housemates.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapagtagumpayan kaya nila ang weekly task na ito? Abangan sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” sa GMA Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending