Coco Martin, Julia Montes lilipad pa-Kenya, may bonggang fan meet
ANG tarush nina Coco Martin at Julia Montes dahil sa unang pagkakataon dadalhin ng ABS-CBN ang Kapamilya stars sa Kenya para sa isang masayang selebrasyon upang magpasalamat sa ilang taong pagsubaybay sa mga programa ng Kapamilya channel na umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa.
Isa itong milestone para sa ABS-CBN dahil pagkatapos ng maraming taon na pagtangkilik ng mga taga-Kenya sa mga Kapamilya teleseryes, personal na nilang makakasalamuha sina Coco at Julia na napapanood nila noon.
Makakasama nga fans ang Coco-Jul sa Kapamilya Live in Kenya para ipagdiwang ang parehong kultura ng Pilipino at Africa na gaganapin ngayong Hunyo 28 sa Nairobi Cinema.
Bukod dito, inanunsyo na rin ng ABS-CBN ang pag-ere ng kinakikiligang serye nina Coco at Julia na “Walang Hanggan” sa Hulyo, at ang serye naman na pinagbibidahan ni Julia na Saving Grace na ipapalabas sa Setyembre. Pareho itong mapapanood sa StarTimes channel ngayon taon.
Baka Bet Mo: Lito Lapid nakapasok sa Top 12 senator dahil sa powers ni Coco Martin?
View this post on Instagram
Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ni Coco sa Africa kung saan patok sa mga manonood ang serye niyang “FPJ’s Batang Quiapo,” na kilala sa pamagat na “Gangs of Manila” at kasalukuyang umeere sa 41 na bansa sa Africa. Tumatak din sa mga manonood sa Africa ang mga teleserye ni Julia tulad ng “Ikaw Lamang,” “Doble Kara,” “Asintado,” at iba pa.
Mahigit dalawang dekada nang umeere sa 40 countries sa Africa ang mga programa ng ABS-CBN. Ilan lamang sa mga napapanood na Kapamilya teleserye ngayon ay ang “Can’t Buy Me Love,” “Lavender Fields,” “What’s Wrong with Secretary Kim,” “The Broken Marriage Vow,” at marami pang iba.
Ayon kay Julia, “Bukod sa makapunta lang doon ay para makapagpasalamat para sa pagsuporta sa atin, that’s why nakaka-proud maging Pilipino. Imagine ‘yung ibang country na-appreciate tayo, I think tayong mga Pilipino mas mahalin pa natin ang mga kultura natin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.