EXCLUSIVE: Zild sa release ng “Superpower” vinyl: Reminder ko sa existence ng album

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez
“BUTI na lang, may vinyl na!”
Ito ang naging reaksyon ng singer-songwriter na si Zild Benitez nang ma-interview ng BANDERA sa naganap na intimate launching event para sa vinyl version ng “Superpower” album.
Ang nasabing album ay opisyal na inilabas noong August 2024, kaya naitanong namin kung may binago siya sa bagong version.
Ang honest na chika niya sa amin, “Wala naman. Siguro, real life things lang — na-delay sa factory, mga ganun. Parang galing pa yata sa ibang bansa ‘yung vinyl.”
Baka Bet Mo: BINI Maloi first time ma-meet si Rico Blanco, na-issue pa!
“Pero ayun, buti na lang may vinyl na. Para rin ma-remind ako sa existence ng album,” paliwanag niya.
Para kay Zild, ang nasabing album ay nagpapaalala sa “ng mga bagay na nagbibigay sa atin ng lakas.”
Nang tanungin naman namin siya kung ano ‘yung paborito niyang kanta sa album?
“Siguro ngayon, after nine months, ‘Matalino Street’ kasi nai-imagine ko ‘yung narrative talaga visually kapag pinapakinggan ko ‘yung lyrics,” sagot niya.
Nabanggit din sa amin ni Zild na super love niya talaga ang music kaya ito rin ang nagpapasigla sa kanya upang gumawa pa ng bagong musika.
May mga pasabog, aniya, siyang niluluto for this year kaya ito ang dapat abangan ng kanyang fans.
Ang “Superpower” ay ang ikaapat na studio album ni Zild na naglalaman ng sampung tracks.
Maliban sa “Matalino Street,” kabilang rin sa album ang “Huwag Nang Ipilit,” “Lia,” “Dilim,” “Segurista,” “Kahit Saan,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.