Valentin Rosales binasag si Meiko Montefalco: Kadiri na ‘to, sobrang cringy!

Valentin Rosales, Meiko Montefalco at Patrick Bernardino
BINARAG ng social media personality na si Valentin Rosales ang content creator na si Meiko Montefalco matapos mapanood ang latest vlog nito.
Ito’y may kaugnayan sa paglalantad ni Meiko sa publiko ng umano’y panloloko sa kanya ng mister na si Patrick Bernardino.
“Nasa Boracay ako nagkita kayo ng kabit mo. Nasa Taiwan ako nagkita kayo ng kabit mo. Kaya pala sinasabi ko minsan dito kayo mag-stay sa condo, ayaw mo.
“Kaya pala uwing-uwi ka palagi sa Bulacan tuwing aalis ako dahil sumasalisi pala kayo ng kabit mo,” ani Meiko sa kanyang video.
“Sabi pa ng kabit mo kinukumusta nga siya palagi ni Carlo tuwing pumupunta ka dito sa condo. Ibig sabihin, may contact na kayo at nagkikita pa kayo kahit pinupuntahan mo na ako, sinusuyo mo na ako dito sa condo.
“Nagkita pa kayo and kagabi, kagabi lang, galing mismo sa bibig mo, sabi mo February kayo natapos, hindi lang ako ang nakarinig. May witnesses ako. Nag-iiba ka nanaman ng statement,” aniya pa.
Chika ni Valentine, obvious na obvious naman daw na “forda content” lang ang naturang vlog ni Meiko.
Basag na basag si Meiko sa post ni Valentin sa kanyang Facebook page kung saan sinabi ng social media personality na ang issue ni Meiko sa asawa niya ay dapat inaayos at pinag-uusapan na lamang in private.
“Kadiri na tong si Meiko sobrang Cringy ng eksena niya!!! Di ko kinakaya yung camera video placement! Naka front Cam pa!
“Nakaayos yung hair parang bagong plantsa and may make up kaya need gawin black and white filter teh? Much worst may background music pa!!” ang bahagi ng FB post ni Valentin.
Patuloy pa niyang pagpuna kay Meiko, “Proud pa siya na pinopost niya publicly yung things na dapat hinahandle privately.
“As a previous cloutchaser myself very halatang forda content lang yung patakbo niyang yan tapos malalaman ok na uli sila.
“Gusto niya lang talaga mag viral siya dahil bumababa na recently engagements impressions and reach ng contents niya.
“Kailangan i boost yung algorithm! cge girl push mo yan kahit super halatang scripted yan.
“Jusko girl hypocrito ka kung maka reklamo sa relationship kala mo napaka mahal na birhen ang atake pala mura pa!” patama pa ni Valentin sa vlogger.
Hirit pa ni Valentin, “Sa mga uto uto jan! Eto Ng context…
“‘Meiko: Lab, kunwari nag cheat ka tapos eto mga eksena natin. Tapos mag sosorry ka kunwari after 2 days tapos ok na tayo.
“Makakadami tayo ng views at shares! Mag viral to at pwede pa ko ma guest sa toni talks lab pag ginawa natin to.’
“Si Guy wala susunod lang. Edi ayun paldo si ate mo sa mga Mosang,” dagdag pa niya.”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon o pahayag si Meiko hinggil sa mga banat kanya ni Valentine. Bukas ang BANDERA sa magiging resbak ni Meiko kay Valentin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.