Meiko Montefalco rest muna sa socmed matapos mahimatay; may pagbabanta

Meiko Montefalco at Patrick Bernardino
DAHIL sa naranasang matinding stress ay nagdesisyon ang TikTok star na si Meiko Montefalco na magpahinga at unahin muna ang kanyang kalusugan.
Ito’y matapos ngang mahimatay si Meiko kamakailan habang nagla-live sa Facebook at isugod sa ospital.
Nag-post ang kontrobersyal na content creator sa FB nitong nagdaang Martes, May 27, kung saan sinabi nga niya na kailangan muna niyang magpalakas at magpahinga sa social media.
Grabe raw kasi ang pinagdaanan niyang stress dahil sa umano’y panloloko at pagtsi-cheat sa kanya ng mister na si Patrick Bernardino.
Nanawagan din siya sa kanyang social media followers na kung may makukuha pang ebidensya ang mga ito na magpapatunay sa pangangaliwa ng asawa ay ipadala lang sa kanya. Handa raw siyang magbayad kapalit ng mga “resibo.”
Narito ang buong pahayag ni Meiko.
“Taking a time off of social media for a while.
“I have almost all of the evidences I need. All I have to do now is to hunt them.
“Maraming maraming salamat sa mga panalangin at suporta. Sa mga taong nagpapadala ng pagkain at regalo, bumibisita sa akin, nangangamusta, nag-aalala, maraming maraming salamat.
“Babawi ako sa pamamagitan ng pagbangon na mas malakas.
“Still though, if you have any evidence I can use to prove my husband’s infidelity, just message me here.
“And I will still pay for a clear vid. Kahit may mga hawak na ako. Just drop it if you have. Maraming salamat.
“See you when I see you. Papalakas lang ako,” saad ng vlogger.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.