Sue pinag-uusapan nila ni Dom ang mga EX, keri maka-work si Bea: Hindi naman isyu!

Sue pinag-uusapan nila ni Dom ang mga EX, keri maka-work si Bea: Hindi naman isyu!

Sue Ramirez and Dominic Roque, Bea Alonzo

WALA nang kiyeme at inintriga ng ilang entertainment press ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez tungkol sa past ng current boyfriend na si Dominic Roque.

Sa isang TikTok video ng username na StarsPhotog, maririnig na inusia si Sue kung napag-uusapan nila ng aktor ang kanilang dating partners, partikular na ang ex-girlfriend ni Dom na si Bea Alonzo.

Ang diretsahang sagot ng aktres, “Oo naman! Hindi naman siya isyu.”

“Actually, kailangan siya eh, parang crucial na to make a relationship work is to actually talk about the traumas. What made this person this way and how will I understand him more deeply. I have to know where he is coming from, and I have to accept also where he is coming from –the same goes with him for me,” paliwanag ni Sue.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

“So ganun lang ‘yun, it’s always a process of accepting, and wala, hindi mo siya mababago…you can’t change it, the only thing you can do is accept it and help each other to get through whatever it is to solve mga issues, traumas,” dagdag pa ng dalaga.

Magugunitang opisyal na kinumpirma nina Dom at Sue ang kanilang real score nang rumampa silang magkasama sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2025 makalipas ang ilang buwang espekulasyon.

Kung matatandaan, ang aktor ay na-engage kay Bea noong 2023 pero sila ay nagkahiwalay rin last year.

Si Sue naman ay limang taong naging boyfriend si Victorias City Mayor Javi Benitez, pero sila ay nag-break din nitong taon.

Nagsimula ang dating rumors sa pagitan nina Sue at Dom nang mag-viral sa social media ang video ng aktres na tila hinahalikan ang aktor habang sila ay nagbabakasyon sa Siargao.

Dahil diyan, itinanong din si Sue kung magiging awkward ba kung sakaling magkasama sila ni Bea sa isang proyekto.

Angs agot diyan ng young actress, “Why not? Ako, wala naman po akong ganun. I think naman din also for her. It’s not a big deal anymore. It’s just the people online who starts making chika and starts creating conflict na wala naman na po talaga.”

“Pero sa totoo lang, wala naman na po talagang problema. We are all happy and we hope that you’ll become happy for each and everyone,” ani pa ni Sue.

Read more...