BINI parang nag-mall show lang daw sa Dubai, anyare?

BINI |Photo from @BINI_ph’s Facebook page
TRENDING ngayon ang mga reklamo ng netizens na present sa nagdaang world tour concert ng P-pop girl group na BINI sa Dubai.
Marami nga sa mga Blooms ang dismayado dahil tila hindi worth it ang kanilang ginastos sa naging quality ng concert na matagal nilang inantay.
Sa Facebook pa lamang ay may mga posts maski ang mga magulang na hindi nasiyahan sa naging experience ng kanilang mga anak na umiidolo sa BINI.
May ilan pa nga na nagsasabing parang nag-mall show lang ang walong miyembro dahil wala man lang “wow factor” ang set up ng concert.
Baka Bet Mo: BINI, iba pang Pinoy achievers pasok sa Forbes ‘30 Under 30 Asia’
View this post on Instagram
Narito ang ilang reklamo ng mga netizens na present sa nagdaang concert ng BINI sa Dubai.
“Nakakasad na wala man lang big screen sa presyong di abot kaya. Tapos puro…. wag nalang nga. Ang importanti nag enjoy yung nasa malapit [emoji],” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Feedback from the Concert.. medjo Disappointed tayo.. very light lang nman.. hindi sa BINI kundi sa Production Team nila dito sa UAE.”
“Galing ng girls! Pero rinig na rinig din ang pagrereklamo ng asawa ko dahil walang LED sa gilid at hindi namin makita ang faces ng girls! Zoom na lang talaga ng phone. Bakit bakit walang LED sa sides huhu Pero galing ng girls as in,” sey naman ng isa.
May mga nagsasabi pa na kakaonti lang ang songs at wala man lang solo or duo performance ng BINI.
Maski ang talent manager-showbiz insider na si Ogie Diaz ay natalakay ito sa kanyang online show na “Showbiz Update”.
Aniya, hindi naman BINI ang dapat sisihin bagkus ang production o organizer sa Dubai ang may pananagutan rito.
“May nag-comment nga dyan na dapat conscious na ang management sa kung ano ang kalalabasan ng kanilang alaga para hindi ito nagre-reflect sa mga bata.
“Next time maging conscious na ang Star Magic siguro na dapat inaalam nila ano ba ang ayos ng stage. Akala ng grupo ng BINI ay bonggang stage design. Ang ending parang wala na silang choice, nandito na. Perform na lang. Hindi na sila pwedeng mag-backout,” lahad ni Ogie.
Wala pa namang pahayag ang BINI o ang Star Magic hinggil sa isyu ng nagdaang concert sa Dubai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.