Gerald Anderson, Julia Barretto hiwalay na nga ba?
HIWALAY na nga ba sina Julia Barretto at Gerald Anderson?
Napansin kasi ng followers nang dalawa na hindi na sila magkasama sa mga larawan/videos na pino-post nila sa kani-kanilang social media account kumpara noon na sa bawa’t okasyon ng kani-kanilang pamilya lalo na sa side ni Julia ay laging kasama ang aktor.
Unang pinansin ang IG post ni Julia noong Abril 19 na nasa ibang bansa siya na tila mag-isang nag travel dahil halos lahat ng larawan ay wala si Gerald.
Gusto naming isiping ipinaalam it oni Julia kay Gerald na gusto niyang subukang mag-travel ng sarili niya dahil may kasabihan na, ‘Solo travel challenges women to become self-sufficient and make decisions independently, leading to a stronger sense of self-worth and confidence and navigating unfamiliar places, making friends, etc.
Baka Bet Mo: Gerald Anderson sa pagpapakasal: I’m closer to that
View this post on Instagram
Pero mula nang dumating si Julia sa bansa ay wala pa rin post ang aktres na kasama niya ang boyfriend sa mga lugar na pinuntahan niya tulad sa nakaraang kaarawan ng mommy Marjorie Barretto niya na ginanap sa resort nila sa Bulacan.
Nabasa rin namin ang pagbati ni Gerald ng, ‘Happy birthday tita (emoji heart)’ pero wala kaming nakitang in-acknowledge ni Marjorie ang aktor at maging si Julia ay wala ring sagot.
Very unusual ito dahil ang alam namin kapag may event sa pamilya ni Julia ay laging present si Gerald.
At sa nakaraang mediacon ng Penshoppe ay mahigpit kaming pinagbawalan ng organizer na bawal magtanong ng personal kay Julia pero ‘yung tungkol sa career at activities niya tulad sa pagbabalik niya sa vlogging para sa Juju on the Go ay okay lang.
Samantala, sa mga post naman ng aktor ay nasa Haiti resort siya nap ag-aari niya habang nasa ibang bansa si Julia at ang caption ng aktor, “Just peace and waves away from the city stress.”
At sinundan ng mga larawang ng resort na ang background music ay, ‘Huwag Muna Tayong Umuwi’ mula sa Bini.
Hmm, ano kaya ang naisip ng aktor at ito ang background music niya?
May kinalaman siguro ito sa promo ng resort niya dahil sa caption, “Tara dito sa #hayatiprivateresort sure na di ka talaga mapapauwi sa ganda. The perfect resort for families and barkadas. Siguradong kasama lahat pati pets!”
Medyo mapapaisip ka sa latest video post ng aktor na nakaupo siya sa gitna ng mabatong sap ana mabilis ang agos ng tubig, nilalaro ang alagang aso at sa ibang panig ng lugar makikitang nag-iihaw ng isda at liempo, may nagbabalat ng mangga at habang kumakain si Gerald ay pinapaypayan siya ng mommy Evangeline Opsima gamit ang dahon ng saging habang nagbibiruan sila.
Ang caption ni Gerald sa post niya kasama ang ina, “regroup.”
Ang meaning ng regroup base sa Google ay, “to stop for a short time and prepare yourself before you continue doing something that is difficult : to stop and think, reorganize, etc., before continuing”.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig o kampo nina Julia at Gerald kung hiwalay nan ga ba sila o may tampuhan lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.