Gerald Anderson, Julia Barretto never naghiwalay, magdyowa pa rin: We’re OK!

MARIING itinanggi ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson na naghiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto.
Ito’y sa gitna ng mga espekulasyon na break na ang celebrity couple matapos mapansin ng mga netizens na hindi na umano nagpo-post ang dalawa ng mga litrato nila na magkasama.
Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Gerald para sa online show nito na “Toni Talks”, napag-usapan nga ang estado ng relasyon nila ni Julia.
“No, we’re okay. Kanina hinatid ko siya sa airport,” ang pahayag ni Gerald na ang tinutukoy ay ang pag-alis ng aktres patungong Dubai.
Baka Bet Mo: Gerald na-hot seat, may nilinaw sa ‘status’ nila ni letter B at letter P?
Ayon pa sa aktor, nagkaroon ng positive impact sa buhay niya ang relasyon nila ni Julia na isa sa pinanggagalingan ng kanyang kaligayahan ngayon.
“Siguro, for one, it’s deeper. I think seven years yata ang agwat namin. Si Julia is very mapagmahal, very motherly, manang-mana siya kay Tita Marj (Marjorie Barretto), ‘yung mommy niya.
“‘Yung values na meron siya, ‘yung love na ibinibigay niya, ‘yung support na binibigay niya. It inspires me to be better and give ‘yung 100 percent ko and ‘yung best version ko,” lahad pa ni Gerald.
Naniniwala rin ang binata sa kahalagahan ng salitang commitment at sa destiny o tadhana, “Kapag sila, sila talaga, walang iba.”
Tungkol naman sa pagkakaroon ng artistang girlfriend, “Aaminin ko, it’s almost impossible especially sa work natin, sa environment natin, sa situations natin, na hindi ka mapo-fall, especially at a young age.
“And everything is, binabato na lang sa’yo lahat. It’s very hard not to fall into that,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “In terms of mga past relationships ko, never akong nagkaroon ng regret. Because happy ako nung time na ‘yun, eh.
“Alam ko naman ‘yung nangyari, e. Hindi ko sinasabing maganda. At the end of the day, naging failure ako, eh. Because nag-fail ‘yung relationship ko. It was more on my part. And more on sana na-handle ko ng mas maayos.
“I could’ve been a better person, a better partner. I should’ve been better sa process na ‘yun. Yun lang ‘yung naging focus ko, instead of the feelings ng mga taong kasama ko,” esplika pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.