REVIEW: ‘Karate Kid: Legends’ walang patid sa aksyon at tawanan, puno ng nostalgia

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures
KUNG action at nostalgia trip ang hanap mo, “Karate Kid: Legends” na ang sagot diyan!
Dahil sa pelikulang ito, literal na bawat eksena ay parang hindi mo pwedeng palampasin kahit isang segundo.
Napanood na ng BANDERA ang latest franchise ng “Karate Kid” at tinitiyak namin na maganda itong panoorin –hindi na nga kami nakapag-CR break dahil ayaw namin palampasin ang bawat eksena.
Lahat ng fight scenes ay sobrang linis at sobrang intense.
At kung akala mo seryoso lang, nagdala rin ng solid na tawa sina Ralph Macchio at Jackie Chan, na kahit tumanda na ay hindi pa rin kumukupas ang charm at timing nila sa comedy.
Baka Bet Mo: ‘Superman’, ‘Karate Kid’, ‘Wolf Man’ bubuhayin sa taong 2025
Pero teka, hindi lang sila ang bida rito dahil ipapakilala rin sa pelikula ang bagong batang mandirigma—si Li Fong, ginampanan ng rising star na si Ben Wang.
Siya ay isang kung fu prodigy mula Beijing na napilitang lumipat sa New York matapos ang isang malungkot na trahedya sa pamilya.
Pero nasangkot pa rin si Li sa isang gulo at kailangang tulungan ang kaibigan kaya kailangan niyang sumabak sa isang karate competition.
Diyan na papasok sina Mr. Han at ang OG na si Daniel LaRusso para tulungan siyang pagsamahin ang karate at kung fu, ang ultimate martial arts showdown na hindi pa nakikita kahit kailan sa big screen!
Kaya kung fan ka ng Karate Kid noon o kung gusto mo lang ng pelikulang mapapahanga ka, matatawa ka, at matutuwa ka –showing na sa mga sinehan ang “Karate Kid: Legends.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.