Ariana Grande, Cynthia Erivo muling babandera sa bagong ‘Wicked’, ipinasilip na

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures
EXCITING ang pagbabalik sa big screen ng pinakasikat na witches ng Oz na sina Elphaba at Glinda!
Mapapanood na kasi this year ang latest movie ng “Wicked” na pinagbibidahan ng Hollywood stars na sina Ariana Grande at Cynthia Erivo.
Pinamagatan itong “Wicked: For Good” at ipinasilip na sa buong universe ang kauna-unahang trailer nito.
Ayon sa Universal Pictures, ito na ang final chapter ng kwento ng dalawang magkaibigang naging magkaribal.
Pero mapapanood sa pasilip na kahit naging magkaaway sila sa unang movie, sa dulo ay friendship goals pa rin ang kanilang peg!
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin
Matatandaan noong 2024 nang unang ipinalabas ang “Wicked” na tumabo sa takilya ng bonggang-bongga at kumita ng halos P40 billion sa buong mundo.
Bukod diyan, nanalo pa ito ng dalawang Oscars!
Ang “Wicked: For Good” ay mapapanood na sa mga lokal na sinehan sa darating na November 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.